Chapter 2 : Literally at Lost

78 4 3
                                    

- GD -


''AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Nakakarindi yung mga tumili dahil sobrang lakas. Pakiramdam ko nabingi ako ah? 


"Sino yan?!" narinig kong boses ni Nerelle. 


"Pwedeng tumigil ka sa pagkapa mo Richard! Baka kung ano makapa mo eh!" Paghiss ni Red Summers. 


"Grabe, bakit kasi ngayon pa nawalan ng ilaw kung kailan naman kailangan natin eh!" dugtong niya pa. Punum-puno ng sigawan ang paligid then naging mga bulungan na lamang at paunti-unting humina hanggang sa hindi na naging audible yung mga boses.


Tas biglang natahimik lahat... LAHAT KAMI TAHIMIK AS IN



Walang nagsalita at bumalot na naman ang katahimikan, rinig na rinig yung paghinga namin na dahan-dahang kumakalma... Ang hilig talaga namin sa katahimikan.


"KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIK!"


Isang napakatinis na sound ang halos gusto ng basagin ang mga tenga namin kaya napapikit ako ng mariin at napabitaw sa pagkakahawak ng kamay para i-cover yung mga tenga ko, kaasar naman! Bumalik yung mga ilaw at bumitaw na ako pagkakadiin ng mga palad ko sa tenga ko, napaluhod na  ako sa sobrang tinis at sakit nito sa tenga. Napatingin ako kay Aya na halos nakahiga na sa sahig habang nakahawak pa rin sa mga tenga niya.


Halatang-halata na takot siya kaya kinamusta kung ayos lang siya na sinagot naman niya ng isang ngiting matamis at ang pagtango bilang pagsang-ayon. Tumayo na ako at iniabot ko naman sa kanya yung isang palad ko para tulungan siyang tumayo, tinanggap naman niya ito kaya nung pagkatayo niya, parehas kaming nagpagpag ng damit namin tas nagkatinginan ng saglit.


Hindi siya nagsalita, ganoon rin ako. Puro ngitian lang ang ginawa namin pareho. Subalit alam na alam na namin na ang ngiti naming dalawa ay nagpapahiwatig ng kalungkutan. I hate this.. Hindi ako sanay na ngumiti ng ganito, Komidyante ako, hindi drama artist! Ang laki ng pagkakaiba ng dalawang yun! Aish!


"I can't believe this!! I went to a school that in order to graduate is that I'm going to kill a fellow student of mine!" inis na inis na sabi ni Jefferson. Nag-cross arms siya at sumimangot, asar na asar na tinampal yun yung noo niya.



 Ano na naman kayang mangyayari kung tatampalin niya yung sarili niyang noo, di ba? Yung totoo po? (=__=). 



"Don't mess things up, Jefferson." pag-glare ni Honeylen sa kanya. "Everything's messed up now, Honeylen. Oh, I'm wrong... rather, fucked up now," sagot ni Jefferson sa kanya. 


Naramdam kong naiirita na pareho yung dalawa kaya pinigilan nina Tracer at Reena, baka hindi ma-contain eh. 


"Well, yeah right! As if you're not going to kill anyone," mataray na sabi ni Leyley na bakas ang pagiging sarkastiko nito sa kanyang boses. 

Silent Blood Academy - Hope's DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon