Chapter 11.5 - Lives for One

11 1 0
                                    

- Jenalyn's POV -

"Kung hindi ako sila.. kung hindi pa kakain, sama-sama kaming mamamatay sa gutom.." Naibulong sa sarili ko. Hindi ko na kaya ang gutom ko, uhaw na uhaw na rin ako. Sobrang tuyo na nga ng aking dila. Wala na akong maisip na paraan para makaalis dito. Wala akong makitang ibang daan para makaalpas sa kwartong ito.

Napabangon ako sa aking pagkakahiga sa sahig at lumapit sa puwesto kung saan nakalagay ang mga bagay na makakapatay ng tao. Inangat ko na lang yung mga kamay ko at kusa na itong gumalaw para pumili. Hindi ko alam kung nananadya ba itong aking kamay o talagang ito na talaga ang nalapagan, feeling ko ay may isang baril at dalawang kutsilyong maliliit na akong hawak hawak. Napaurong ako bigla at halos mabitawan ko yung mga gamit na iyon pero mas humigpit pa ang hawak ko dito.


'Hi-hindi ko magagawa ito...' Napaisip ako bigla at naramdaman kong pinagpapawisan na yung noo ko. Malamig naman yung kwarto, bakit ako pinagpapawisan? Tama ba itong ginagawa ko? M-mali ito!


'Sira ka Jenalyn! Yung totoo ah?! Kailan ka gagawa ng step para hindi ka mamatay?! Kung kailan sasaksakin ka na?! Doon lang hah!? Tingin mo makakalabas ka pa dito?! KAYA MO BANG MAGTAGAL DITO?! KAYA MO BA?! Tingin mo hindi ka rin nila papatayin? Tanga lang?!' Paulit ulit na sigaw sa loob ng aking ulo. Napapikit ako nung sobrang diin, ansakit na ng aking dibdib, hindi ako makahinga ng maayos, di ako makapagisip, litong-lito na ako!



Isisigaw ko na sana ang aking nararamdaman nang may maaninag ang aking mga mata na isang pintong nakabukas. Nagtataka akong napatingin pero tumayo ako at pumasok dito dahil katabi lang naman nito ang weapon's stand.


Nakita ko agad ang isang LCD screen, isang DVD Player na nakakabit dito at isang CD sa ibabaw nito at may nakalagay na ''Play Me, Jenalyn'' Isinara ko muna ang pinto at naupo sa upuang nakaharap sa LCD Screen. Binuksan ko ang player at inilagay na ang CD doon.


"Ano na naman 'tong pakulo ni Mr. Voice?" Nakakaasar na siya ah. pang-asar lang talaga siya. Inilagay ko na rin sa aking ulo ang headphones na nakakabit sa Screen na iyon. Nagbilang muna ito mula sampu papunta sa bilang isa at kusa na itong nagplay.


"Hi ate Jeje!" Bumungad sa akin ang ngiti ng mas bata kong kapatid Jiro. "Congratulations pala ate at nakapasok ka diyan sa Silent Blood!" Naiinggit ako! Hintayin mo ako diyan ate ah! Makakapasok rin ako diyan!" Pagpout niya sa camera, nangangako na naman siya sa akin.


"Sina mama't papa?" Tanong ko pero nalimutan kong isa lang pala itong video, namimiss ko na sila eh... Namimiss ko na sila..


"Oy, Jena! Musta diyan, Liderrr~!" biglang dumating yung mga kabarkada ko, ang grupong matagal kong inalagaan. "Swerte ni Lider ah! Nakapasok ng Say-blood! Anong pang-gagayuma ang ginawa mo sa principal n'yan ah? Umamin ka! Hahaha!" Loko-loko rin pala itong mga kagrupo ko! Imbis na i-congratulate ako dahil nakapasok ako dito, nilalait ba ako ng mga sirang toh? Haha! "Gago," Napatawa ako ng di oras and at the same time halos mapaiyak na ako. Mukhang sobrang saya nilang lahat diyan sa labas ng school. Gusto ko ng makalabas dito.. namimiss ko na sila. 'Makakalabas rin ako dito guys! At kapag nangyari yon, may kotong kayo saken!'



Kinakamusta nila ako ng paulit ulit at sinabihan ng kung ano-anong panlalait-este compliments, kesyo di naman ako mataas sa grades, walang pake sa pag-aaral, basagulera, and what-so-ever etchetera, nakatawa pa rin sila.. Masaya na ako nung makita ko sila halos malimutan ko na yung dahilan kung bakit ako nandoon sa kwartong iyon. Nang hindi ko inaasahang mag-glitch yung screen at naging black and white na lang, yung mga nakikita sa TV kapag walang signal yung antenna, ganun. Kinabahan ako bigla, nasaan na sila?!



"O-Oi! A-Anong nangyari?!" Nabigla ako nung nag-glitch yung screen pero hindi ko alam ang gagawin ko nung may lumabas ulit na video.. Isang video na pinagsisisihan kong makita..



'A-ate...'



Hindi ako makagalaw, nanlaki ang mga mata ko sa gulat, nanginginig ang mga labi at kamay ko sa pagtawag niya sa akin ,"A-Ate J-Jenalyn..AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! T-tulong..!"


Ang kapatid ko, balot na balot ng benda ang kanyang mga braso at paa, mayroon ring siyang mga benda na tumatakip sa kanyang mga mata, punum-puno ng dugo ang kanyang hospital gown at habang nakahiga siya doon sa hospital bed ay kitang-kita ko ang aking nanay na naka.. na-- nakabi-bigti sa gilid ng kama niya a-at ang aking tatay a-ay nakahiga s-sa sahig na punum-puno ng dugo, naiyak ako sa aking mga napapanood, ang pagsigaw ng kapatid ko, ang dugong naka-kalat sa kanya at sa sahig at wala ng buhay kong mga magulang, Jiro---. ''J-Jir----"




"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! AAAAAHHHHH!! T-Tama naaa!! " Umalingaw-ngaw ang boses niya na naghihirap sa loob ng tenga ko, paulit ulit siyang tinu-tusok ng mga karayom na kasing haba ng isang dangkal, hindi ko matanggal yung mga headphones sa ulo ko.



"JIRO!!!!! ANDITO SI ATE! JIRO! TUTULUNGAN KA NI ATE!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at napakapit sa LCD screen sa harapan ko. B-bakit? B-Bakit naghihirap ang mga kapatid ko?!



Nag-glitch ulit ang screen at mas ikinagulat ko ang mga nakita ko ng mapanood ang mga gang members ko.. W-wala habas silang pinapatay.. I-isa-isa silang pinapatay.. Rinig na rinig ko ang mga sigaw ng paghingi nila ng tulong.. Ang pagkakapatay sa kanila gamit ng isang chainsaw, hindi lang isa... maraming chainsaw.. ''T-Tama na... T-Tama na...'' Nanlambot ako bigla, napaluhod ako sa sahig habang nakahawak sa ulo ko at hindi ko na alam ang dapat kong gawin, sinubukan kong tanggaling ang headset pero ayaw.. ayaw matanggal ng bwisit headset na ito sa ulo ko, "T-tama na.. D-damn, p-please... Bakit ganito ang mga nangyayari? Stop, please... No..." patuloy na ako sa pag-iyak at nagngi-ngitngit na ang aking mga ngipin sa galit, sa pagkalito at sa pagkatakot. B-bakit sila pa? bakit sila yung nawala? Bakit ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko?



"TAMA NAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!" Napasigaw ako sa sobrang galit ko. Damn this f*cked up life! Bakit pa kasi sa akin?!?



"You will never get anything from weeping, get up and do your will." Mga salitang nanggaling sa loob ng ulo ko, paulit-ulit na nagreplay sa akin na para bang sirang plaka. Kill? Pumatay ng ano?



"Haha!" This is not a game anymore? This is not the life I have. N-no... I-I need t-to survive.. I need to g-get out this place.


Pumatay na kung pumatay pero hindi ako pwedeng magstay dito. Tumayo na ako mula sa kinaluluhuran ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para bang tinusok ako sa dibdib ng isang sobrang talas na patalim, para bang nawasak ang mundo ko.


"I need to get out of this goddamned place.. No matter what the cost will be, I will get the fuck out of here.." Napangiti ako ng di oras.. Nangiti ako sa sarili ko at ibinato ang headset sa isang gilid.


'There is no pain if I don't have any gain in this fucked up game of life..'

Silent Blood Academy - Hope's DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon