- Honeylen -
"Ate S-seliena..." Naluluha kong pagsasalita. Hindi ako naniniwala siya ang may gawa noon. Hindi niya kayang gawin iyon! Hindi! Nagbibiro lang siya ng sinabi niyang siya! Hindi talaga pwede!
"Honey... It's okay. D-don't cry. Everything's going to be alright..." She said in a very caring tone and smiled at me. I want to say no... Nothing's going to be fine ever again, nothing in this room is right. Nothing will ever be the same again...
Naramdaman ko ang katawan ko na naging manhid at natulala ako lalo sa kanyang ngiti. Hindi ko masasabi na okay lang sa akin... Hindi ko magagawang ngumiti. "Oras na upang bumoto! Sino kaya? Sino kaya?" Ang boses ni Mr. Voice na alam na alam kong natutuwa at nasasabik. May dalawang 'buttons' sa ibabaw ng desk namin ngayon, ang isa'y kulay pula at ang isa ay kulay berde, nakasulat sa ibabaw ng pulang button ay 'Guilty' habang sa kulay berde naman ay may nakasulat na 'Nonguilty' .
Ito na ba ang ibigsabihin niya na kailangan naming iboto ang taong iniisip namin na siya ang pumatay o ang traydor? Napakasama.
"Simula na ng pagboto, 10 seconds for you to click on of those buttons!"
May oras?! Nagsimula ng bumilang at ako'y kinakabahan. Hindi ko gustong gawin ito.
10...
9...
Tumingin ako sa kanya. Sa taong hinangaan ko at pinagkatiwalaan.
8 ...
7...
"Ate Seliena!" Naiiyak kong isinigaw ang kanyang pangalan. "Hindi ikaw ang pumatay! Sa-sabihin mong hindi i-ikaw ang p-pumatay!!!" pilit kong sinigaw at naiiyak kong sinabi. Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata ko. Hinihintay ko ang kanyang sagot, umaasang bawiin ang kanyang mga salita.
6...
5...
Ningitian lang ako ng taong tiningala ko. Ngiting nagpapahiwatig ng walang kasagutan. Ngiting humihingi ng patawad.
4...
3...
2....
"Last one second!" Ang narinig kong sinabi ni Mr. Voice. "Tandaan kailangan n'yong bumoto bilang isang buo kundi... LAHAT KAYO MAMATAY! Bwahahaha!!!" Ang pagtawa ng ubod ng lakas ni Mr. Voice. Sumakit ang ulo ko at hindi ko alam pero patawad ate... A-ate...?
1...
0!"
"Times Up!!" Ang pagsasalita ni Mr. Voice na hindi ko aakalain ay maririnig ko sa isang tao o bagay maski hayop na nakatawa. "Ang estudyanteng hindi natanggalan ng posas sa kanyang mga paa at kamay ay siyang binoto ng klase!" nang sabihin iyon ni Mr. Voice ay agad-agad ang posas na nagkulong sa akin sa upuan na iyon. Natulala ako sa mukha ni Seliena na wala ng ngiti sa kanyang mga labi at nakayuko. Umiiyak at namumutla sapagkat hindi natanggal ang kanyang mga posas at tila ba'y nanginginig siya sa takot na kung ano man ang maaari n'yang sapitin.
Gumalaw ang upuan ni Seliena at pumunta sa harapan ng kuwarto. Ikinabigla na lang namin lahat ng may biglang pumulupot sa buong katawan niya na kadena at hinila ang upuan papunta sa una'y blackboard ngunit isang malaking lagusan na parang kuweba. Naglaho siya sa pangingin namin na dilat na dilat ang kanyang mga mata sa takot at sa pagkagulat na siguro. Nagsara ang noo'y kuwebang lagusan at napalitan muli ng isang ordinaryong pisara. Kaming mga natira ay tulala at nakatayo sa hindi malamang dahilan kung kami ba'y matatakot o kikilabutan.
BINABASA MO ANG
Silent Blood Academy - Hope's Despair
Mystery / Thriller"We're all human. The only thing that differentiates us is US."