-Ricardo-
"Dude, anong nalalaman mo?" Narinig kong pagtatanong ni Jefferson sa akin. "Porn ba or tungkol sa kapogian ko?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay sa kanya.
"Pare, seryoso ako," seryosong tumingin sa akin si Jefferson. "Bakit? seryoso rin naman ako ah," sagot ko sa kanya na napataas ang aking kilay. Nagring ang E.I.D. ko. Hindi ko na nakita yung phone at wristwatch ko, tinanggal ng bwisit na Mr. Voice na yon lahat ng gadgets namin sa katawan. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yon ng hindi kami ginigising. "Nagring rin ba yung sa inyo?" tanong ni James sa amin. Nagnod lang ako sa kanya, not in the mood to say anything dahil don sa murder ni Kitkat.
"If it's not the traitor then who will kill that annoying pig?" Kanina ko pa nga iniisip, mataba kasi si Kitkat pero cute tingnan, make-up nagdala. Kabwisit pa rin naman. Nandito kami sa cafeteria, umalis kami sa room na iyon. Nasuka nga ako eh, ayoko kasi sa dugo ibigay n'yo na lahat wag lang dugo, tae at lamang-loob ng tao o hayop, ginagago n'yo ko kung gagawin nyo iyon. "It's already time, we gotta go," sabi ni Jurie at Threnz. May map na tinakda para sa CDS ang haba naman kasi ng pangalan eh, putang lima!
Nakapunta na kami dun sa tapat ng elevator at tumingin ako sa E.I.D. ko "It says here that its..." Jefferson trailed off. "Kung saan man bababa ang elevator na toh nandoon ang CDS room." Pagsasalita ni Honeylen. "Punyaters naman," pagroll ng eyes ni Jenalyn. Seriously? Kasabay namin tong mga toh? "Andito kayo?" Tanong ni Rence sa kanila. "Ay Hindi, Hologram namin toh! Tingin mo?" sarcastic na sabi Shamirah. "Tss." narinig kong sabi ni Rence. "Oy, mga punyaterang loko, anong hinihintay nyo dyan?! End of the world? ayaw nyo pang sumakay sa elevator at pumunta don?!" si jenalyn talaga, ansungit, meron ba siya? =_= . "Makababa na nga. I don't want to waste my time," sumakay na ako sa elevator tapos sumunod na rin sila. Pinindot ko na yung button na nakalagay "CDS" tas nagsara na yung pinto ng elevator at bumaba na.
-Celestia-
Na-una kaming bumaba nina GD, Harry at ng iba pa. Hinihintay na lang namin ang grupo nila Jenalyn at Ricardo. Hindi ko alam bakit pero sobra akong ninenerbyos, pa-paano kung patayin ako? Ayoko pang mamatay! Wait, bakit ko naisip na mamamatay ako? Nakaupo kami sa assigned seats namin and guess what? Naka-bakal na posas kami sa aming mga upuan. Ang aming mga paa ay nakachain sa aming mga upuan rin sa paa ng upuan namin. Ayoko ng ganto.... Parang bibitayin ako. "Nakayuko lang ako at nakatingin lang sa desk ko.
"Celestia, okay ka lang?" narinig kong tanong ni GD na nasa tabi ko nakaupo. Tumingin ako sa kanya at nagnod, ngumiti ng kaunti at yumuko ulit, ayokong makita ang mukha ng mga kaklase ko, mas kinakabahan ako.
"Sa tingin ko sya nga ang killer," narinig kong sabi ni GD. "For now, wala pa tayong magagawa, walang idea o mi isang hint, wala. Honestly, di ko alam kung anong kahihinatnan dito, I hope maging maayos lang ang lahat" napatingin ako kay GD at nakita ko syang nakatingin sa desk ng teacher na nasa pinakaharapan, kahit siya nagsisinungaling na siya sa kanyang sarili na magiging okay pa ang lahat. Hindi ko maatim ang kanyang optimism, sobra siyang positive.
"Pagpray na lang natin na mali tayo at walang mamatay... sana," narinig kong pagbuntong hininga ni Denise, hindi pa rin siya sumusuko. Mas lalo akong ninerbyos. Madali lang malalaman kung sino ang patay na sa aming 'klase' since may flower vase na may lamang black tulips at picture frame na may lamang photo nila ang nakalagay sa ibabaw ng kanilang desks... Talagang ipapamukha sa amin na may namatay sa amin at isa sa amin ang nagdahilan nito, how pathetic. Automatic din ang mga upuan na kung ikaw ay umupo dito biglaan ka nitong ipoposas ang dalawa mong kamay at mga paa. In short, trap ka.
Dumating na ang mga hinihintay at bumigat ang atmosphere parang may dumagan sa akin na sobrang bigat at ang hirap huminga. "What the fvk?! Anung meron sa upuan na 'to?!" napasigaw si Jenalyn at sinusubukan nyang umalis dito. Ganun din ang mga bagong dating na iba, pilit nilang inaalis ang kanilang mga sarili sa kinauupuan nila. "Struggling will get you no where, if I were you, I'd stop," Harry said with a smirk. "If I were you, I'd shut up, dumb*ss," my lips blurted those words to Harry. Di ako tumitingin sa kanya pero feeling ko ginegleran ako ni Harry. Bushet ganon ba ako kapanget para pagdilatan mo?
Pagkalipas ng ilang minuto, kumalma na rin sila. "Kumalma ka ata Jenalyn ah," pagsasalita ni Kyla na para bang nagrereklamo siya dahil tumigil sa kakapumiglas ni Jenalyn, may pagkasadista din siya ah. "Wala eh, ayoko rin namang parusahan ang sarili ko sa t*nginang upuan na'to," sabi ni Jena na halatang naiirita na. "Nasan na ba yung bwisit na Mr. Voice na yon?! Pupuntahin tayo dito i-ta-trap sa upuan tas paghihintayin?! Utang na loob!" Pagsasalita ni Krishena, umagree naman yung iba. Tiningnan ko ulit ang desk ko at hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong dumidilim ang aura ng buong room at bumibigat lalo ang atmosphere, napansin kong nanginginig sa takot ang aking mga kamay at unti-unti na akong namumutla. Bakit sobrang kabado ako? Hindi naman ako ang pumatay sa kanya ah. Hindi ako ang pumatay...
' I'm not the killer, am I?'
BINABASA MO ANG
Silent Blood Academy - Hope's Despair
Misteri / Thriller"We're all human. The only thing that differentiates us is US."