Chapter 13 : Insane

24 2 4
                                    

- Aya's -


"Nasaan na ba kasi yung mga iyon?!" Pagtatanong ko sa sarili ko. Naiirita na ako ah! Kanina pa namin sila hinihintay at wala pa rin sila JD, ilang araw na silang nawawala sa buong academy na ito at di namin malaman kung nasaan na sila dahil hindi namin pwedeng buksan ang mga pinto ng mga kwarto nila! Ayoko ngang mamatay dahil lang sa pagbukas ng pinto ng iba!


Yung mga pinto ng bawat kwarto kasi ay may nakatapat na M-61 Vulcan, isang type ng gattling gun na ginagamit sa gera. At nakasabit ang mga iyon sa ceiling, ang sabi ni Mr. Voice ay kapag trinay daw naming manghimasok sa kwarto ng iba na walang pahintulot ni Mr. Voice or ng owner ng room ay automatic daw na puputok ang mga iyon at ang target ay IKAW. 


Talking about privacy and brain issues here.


"Baka naman..." Nagtrail off pa ng sasabihin si Mark kaya natahimik lang ako at biglang sumingit sa usapan si Nerelle. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, Mark!" 



"Wala pa nga akong sinsabi, OA mo ah!" sabi ni Mark sa kanya na medyo nagulat dahil sa parang sinigawan na siya ni Nerelle. Ako naman, napa-poker face na lang, ang gulo kasi ng mga ito eh, di malaman kung ano talaga ang pinag-uusapan. 



"Ang gulo n'yo," pagsingit ko sa kanilang dalawa, ang gulo naman talaga eh.



"Tss. You're wasting all of your time! They are useless, in the first place anyway," hindi naman kinakausap itong si Harry ay bigla na lang siyang nagsalita. Sinong kausap nitong Chinese na ito? 



"Oo, grabe, may nagtatanong sa'yo!" sarkastikong pagpaparinig ni GD kasi sa akin siya nakatingin pero si Harry ang pinatutungkulan niya. "Yeah, I'm just saying that, anyway," Harry's getting in our nerves like seriously, anong problema niya? Daig niya pa ang babae sa pagiging masungit at pagiging pakialamero.



"Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Crisben, I mean, mabait naman siya at walang ginagawang di maganda, why would someone do that?" Nabanggit ko yung mga iniisip kong mga tanong sa isip ko, kahapon ko pa kasi gustong itanong yun pero di ko naman alam kung sino ang tatanungin ko kaya parang nonsense din itong pagsasalita ko. 



"Another thing is that it's quite weird to how Krishena and Shamira were found unconscious at the corridor..." ang sabi ni Nerelle na may halo pang pagtataka. Nakita kasi naming lahat na yung dalawang yun ay nakahiga sa corridor at may dugo sa ulo nila, walang mga malay at hindi namin malaman kung sino ang gumawa.



"Quite a mystery, isn't it?" Pagbuntong hininga ko dahil totoo nga yung mga sinabi ni Nerelle. Natahimik kaming lahat pero biglang may nagsalita, "What are you dumbass*s worrying about! You're worrying about the people who don't matter the most, tsk! You're all wasting your time instead of thinking of a way to escape this damn hell!" Pagsingit ni Harry na naman. I swear, if I have the chance, I'll definitely punch him in the gut!

Silent Blood Academy - Hope's DespairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon