Prologue
Parang may sumasaksak ngayon sa dibdib ko. Makita ko lang siyang umiyak ay nahihirapan na ako, paano na lang kapag...umalis na ako ng tuluyan?
Humahagulgol siya habang nakaluhod sa harap ko, nagmamakaawa. Mugto na ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak.
Kasalanan mo... Niloko mo 'ko...
Niyakap niya ang mga binti ko, pinipigilan ako sa akmang pag-alis. "D-Don't...baby, please.." Lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya, hindi sumusuko kahit na gusto ko nang kumawala. "L-Let me explain, baby...please..."
Halos hindi ko na siya maintindihan dahil sa sunod-sunod na paghikbi niya. Inaamin ko, nakakaawa siya ngunit lamang ang galit at pandidiri ko.
"Nagtiwala ako sa 'yo..." Humikbi ako. "H-Hindi ko inaasahang magagawa mo 'to..." Natakpan ko ang bibig ko upang hindi ako mapahagulgol.
"P-Please, listen..." Tumayo siya ngunit nananatili ang brasong nakayakap sa akin. "They're j-just lying...Trust me—"
"Ha?! Trust you?!" Galit na galit man ay sarkastiko akong natawa. "Nagtiwala ako sa 'yo, Vint! Pero 'yong...'y-yong tiwalang 'yon, winasak mo mismo!" Lumuluha ko siyang itinulak-tulak. "Liar... You're a liar! You're such a dick! Nakakadiri kayo!"
Itinulak ko siya para makaalis na ako sa pesteng apartment na ito. Ayoko na siyang makita. Ayoko na siyang marinig! Sinungaling.
"C-Come...back, baby..." Nanghihinang pagtawag niya noong nasa may pinto na ako. Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi na siya nilingon. "D-Don't leave..." Muli ay nanginig ang boses niya.
Humarap ako sa kaniya. Ipinakita ko ang galit ko noong humarap ako. Manloloko! "Ayaw na kitang makita. Gusto mo siya? Eh, 'di siya ang piliin mo! Fuck that woman if that's what you both want!" Nandidiri ko siyang tinitigan matapos kong punasan ang mga nanuyong luha sa pisngi ko. "Nakakadiri ka! Nakakadiri kayo!"
Nang buksan ko ang pinto ay narinig ko ang malakas na hagulgol niya. Mahal na mahal kita kahit gago ka. Pumikit ako ng mariin at isasara na sana ang pinto nang muli ko siyang marinig na magsalita.
"I love you..."
Muling nagsiagos ang mga luha ko nang marinig ko 'yon mula sa kaniya.
"...Wait for me," Humikbi siya. "I'll bring your trust back to me again, baby.. I love you."
~