Chapter 11

1 0 0
                                    

CHAPTER 11: INSIDER

ARGONNIE'S POV

***
"Hala!? Legit!? Totoo!? No lies!?" Gulat na gulat na tanong ni Jazz

Humigop ako ng iced coffee. "Oo nga. Nawawala nga talaga."

Nasa convenience store kami ngayon. May isang oras pa bago magsara ng gate ang school. Inaya ko kagabi si Jazz na magkita kami dito ngayon.

"Hala, paano na 'yan? Hinanap mo ba?"

"Of course! Wala pa nga akong tulog kakahanap eh! Halata naman sa mata ko. Dzuuh!" Buong gabi akong naghalungkat sa kwarto ko maging sa mga madalas kong pinupuntahan na parte ng mansion gaya ng kusina pero wala pa rin.

Humigop sya sa inumin niya. "Baka naman may nagnakaw?"

Umiling ako. "Maliit ang chance eh. Ako lang naman ang nakakaalam na may octave pearls ako at kung saan ko 'yun nilalagay maliban kay..." Nanlaki ang mata ko nang marealize ko na may isa nga palang taong nakakaalam ng tungkol sa octave pearls. Yung weird na taong yun.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Sino??"

"Tsk. Di pa ako sure, ayaw kong magbintang. Pero kung may magnanakaw man ng octave pearls, ano naman ang dahilan?"

"Kapangyarihan??"

Umiling ako. "Hindi rin. Mahina ang octave pearls kung hindi sila kumpleto."

"Or baka ibebenta since perlas din 'yun. Mahal din ata sangla dun." Hula ni Jazz.

Umiling ulit ako. "Ang yaman-yaman naman ng mga tao sa loob ng mansion. Hindi rin pwede ang mga kasambahay dahil bawal sila umakyat sa taas ng mansion kung walang importanteng gagawin. Maraming cctv sa mansion kaya imposibleng may makapuslit."

Kumunot ang noon niya. "Eh ano 'yun, bilang naglaho? Naglakad palabas?"

Huminga ako ng malalim. "Iyan ang hindi ko malalaman. Napakamisteryoso naman ng pagkawala ng lalagyan ng octave pearls kasama ang Wisdom Pearl."

Hindi naman pwedeng may magnanakaw na nakapasok. Hindi rin pwede 'yung mga maid na umakyat sa taas. Tanging ang pamilya lang nina Madam ang umakyat sa taas. Sila lang ang may access doon.

Baka siya nga talaga. Pero bakit nya naman 'yun gagawin?

"Hay nako, nakaka-stress naman 'yang octave pearls at mission mo. Hindi pala biro ang maging reyna." Aniya.

"True. Pero kailangan ko talagang magtagumpay sa mission ko alang-alang sa dating reyna." Malungkot kong sabi.

Totoo nga ang sabi nila. Great power comes with great responsibility. Habang tumataas ang pwesto mo, mas dumadami ang kailangan mong bantayan at ayusin.

"May problema ba?" Tanong ko nang mapansing para siyang nababalisa. Kanina pa sya lingon nang lingon na parang may hinahanap.

Tumingin siya sa akin. "W-Wala. So ano na ang plano mo?"

Lumingon ako sa labas at nag-isip-isip. Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon? Maghanap nang maghanap sa mansyon? Hayaan nalang na wala yung box at Wisdom Pearl at maghanap nalang ng iba? Alamin kung sino kumuha? Humingi ng tulong sa hari? Ano ba dapat? Kailangan kong magdecide agad. Hindi ko pwedeng patagalin na hindi nalulutas ang misteryong ito.

"Hmm?" Aniya habang nahigop ng kape.

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kaniya. "Uhmm... sa tingin ko, dapat kong imbestigahan 'tong nangyayaring 'to eh. Kailangan kong malaman kung paano at sino ang kumuha ng perlas."

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon