Chapter 1

16 3 0
                                    

CHAPTER 1: WELCOME

Argonnie's POV

***

"SANDALEEEEE!!!"

Sige Argonnie! Takbo pa! Kaya mo yan! Fight! Fight! Fight!

"WEEEYT LAAAANG!!! SANDALEEEE SABEEE!" Tinuktok ko pa yung bus habang tumatakbo para mapansin ako ng driver. Kelangan ko ng masasakyan!

"SANDALE SABE! MAY LAKAD!? MAY LAKAD!?" Inis ko pang sigaw habang tinutuktok pa rin ang bus. Pinahihirapan naman ako ni kuyang driver eh.

Patuloy pa rin ako sa pagsigaw at pagtakbo pero napahinto ako nang may sumigaw.

"MISS!! 'WAG KA NANG MAGHABOL! MASASAKTAN KA LANG!"

Huh? Kaninong boses 'yon? Boses palaka eh.

Lumingon ako at may nakita akong lalaking winawagayway yung braso niya.

"'WAG MO NANG HABULIN ANG UMALIS NA!! MAY DARATING PA NA NAMANG IBA!!" Sigaw niya pa. Ay, nahugot si Kuyang stranger?

Hmm, gaganti din ako ng hugot. Kala nya sya lang ah.

"EH ANO NAMAN KUNG NAGHAHABOL AKO!? DZUUUH ATLEAST DI AKO TULAD MONG MADALING SUMUKO!!" Sagot ko at wala akong pakielam kung mukha na kaming ewan na nagsisigawan.

"ATLEAST DI MASASAKTAN!! LUMAPIT KA NA LANG DITO!! DITO ANG HINATAYAN NG BUS!!"

Hala, doon pala ang hinatayan ng bus? Kaya pala ayaw akong pasakayin ni kuyang bus driver eh. Nubayan!

At dahil wala akong choice, naglakad na lang ako papalapit doon. Habang naglalakad papalapit, nakatingin pa rin sa akin si Kuyang Hugotero. Mas nakikita ko tuloy ng malinaw ang itsura nya. Nakasuot sya ng polo shirt tapos denim pants, maputi, itim ang buhok, medyo matangkad sya, tapos payat at kapansin-pansin din ang suot niyang kulay gold ang frame na salamin.

"Oh, sumuko ka na rin, Ateng Hugotera?" Natatawa niyang sabi kaya kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin at lumalabas ang dimples nya. At isa pa, ang tangos ng ilong niya!

"Don't worry, na-convince mo naman ako. Pero bumalik ako dito kasi no choice ako. Gets? Kaya 'wag kang mag-assume dyan Kuyang Hugotero." Mataray kong sabi sa kanya.

"At ako pa ang assuming? Eh ikaw nga dyan ang nag-assume na kino-convince kita eh." Sagot niya pa.

"Ako? Nag-assume? Dzuuh! I'm just coping with uncertainty!" Pambabara ko sa kanya. Buti nalang tinuro samin sa TLE yung coping with uncertainty. Perfect pa nga ako sa test about entrepreneurship eh.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon