Chapter 8

3 0 0
                                    

CHAPTER 8: UNEXPECTED PERSON

Argonnie's POV

***

"Talaga!? Napunta ka sa past!?" Gulat na tanong ni Jazz matapos kong ikuwento ang mga pangyayari.

"Oo. Pero teka, kaninong boses yung humihingi ng tulong? Eh wala kang malay nung makita kita." Pagtataka ko. Okay lang na magdaldalan muna kami dito sa classroom, wala pa naman yung teacher namin sa next subject.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Basta hindi akin yun."

"Ano ba kasing nangyari?" Naguguluhan kong wika.

Ngayon lang namin napag-usapan to dahil wala kaming oras kahapon, pa-gabi na nang makauwi kami.

"Ganito kasi yun." Umayos sya ng upo. "Diba sinundan ko yung pera? Edi sinundan ko nga. Tapos nagpapasunod naman yung pera kaya sinundan ko."

Hinampas ko sya sa balikat. "Ayusin mo nga! Seryoso eh." Eto talagang si Jazz, hindi ilugar ang pagiging clown nya.

"Eto na nga! Seryoso na!" Umayos sya ulit ng upo kahit maayos na naman ang upo nya. Siguro sa susunod baka yung upuan na ang ayusin nya. "Nung nasa damuhan ako tapos mapupulot ko na yung pera, bigla nalang dumilim yung paningin ko."

"Tapos?"

"Wala na. Nagising ako nung ginising mo ako."

Napaisip ako bigla. Sinong may kagagawan noon? At paano nangyari yun?

Itatanong ko nga. "May nakita–"

"OKAY CLASS! KINDLY SHUT YOUR BIG, LARGE, GIGANTIC, COLOSSAL MOUTH!"

Biglang pumasok yung teacher namin kaya tumahimik na din kami. Bumalik sa kani-kanilang upuan yung mga wala sa upuan nila kanina. Umayos na din ako ng upo.

"Mamaya nalang." Bulong ko kay Jazz.

"Good morning class! Are you ready to learn something incredible?" Masiglang tanong ni Ms. Atienza. Medyo bata pa sya at talagang laging energetic. Medyo strikto rin sya pero mabait naman.

"Yes ma'am!" Sabay-sabay naming sagot.

"So our topic for today is about analyzing opposite sides. Our objectives is para mas maging maayos ang decision making nyo at para maging fair ang pag-iisip nyo. Kumbaga aalamin nyo yung both sides, yung negative at positive sides ng both sides para malaman kung alin nga ba ang mas matimbang. Gets?"

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon