Chapter 3

7 3 0
                                    

CHAPTER 3: START OF THE BURDEN

Argonnie's POV

***

Nang makita ko pa lang siya, biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Hindi dahil sa saya, kundi sa pangamba.

Anong ginagawa ng babaeng 'yun dito?

Para malaman kung siya nga iyon, kaagad akong tumakbo patungo sa building na kinatatayuan niya.

Dito na ako sa malawak na field dumaan kesa sa roofed pathway dahil kung doon ako dadaan, maraming sagabal na mga student ang mabubunggo ko.

Habang tumatakbo ako sa kalagitnaan ng malawak na field, bigpa akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Muling bumabalik sa isip ko ang mga alaala na matagal ko nang kinalimutan.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pinilit na hindi pumasok sa isip ko ang alaala na iyon.

Pagkarating ko sa building, agad akong umakyat gamit ang hagdan. May mga elevator naman dito, pero mas mabilis kung sa hagdan ako dadaan.

Kailangan ko syang maabutan.

Sa wakas, nasa third floor na ako. Natatanaw ko agad sya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa matinding pagod. Masyado pala akong nag-effort. Daig ko pa siguro si Darna.

Marahan akong naglakad papalapit sa kanya. Parang nag-uunahan sa pagtibok ang right side ng heart ko at left side ng heart ko.

Oh, Science: 98

Pero seryoso, ang bilis ng tibok ng puso ko. Tila naninigas ang paa ko dahil nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko sya o tatakbo palayo.

Unti-unti nang pumatak ang  mga luha ko dahil bumabalik ang naghilom na sugat sa puso ko. Nararamdaman ko ulit ang sakit na pinaranas nila sa akin.

Gusto kong malaman kung siya nga ba talaga iyon. May nag-aalab sa dibdib ko na nagsasabing dapat kong alamin kung siya ba talaga.

Patuloy akong naglalakad pero agad akong napatigil nang humarap siya sa akin. 'Di pa rin sya nagbabago, malakas pa rin ang pakiramdam niya. Nagulat ako nang tumakbo siya papalapit sa akin kaya kusang gumalaw ang paa ko pababa ng building na 'to kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Ayoko na. Gusto ko syang takasan. Kung kanina gusto ko syang tignan, ngayon, ayaw ko na. Nasasaktan ako kalag nakikita ko siya.

Agad akong lumiko papasok ng cr at agad ini-lock ang pinto nito. Napaupo ako sa sulok habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa hingal.

Nagulat ako nang may kumatok sa pinto. "Argonnie! Hayaan mo akong kausapin ka!" Sigaw niya pero di ako kumibo.

Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Muli kong naalala ang isa sa pinakamasakit na araw ng buhay ko, tatlong taon na ang nakalipas.

*Flashback 3 years ago*

Masaya akong naglalakad palabas ng kaharian namin. Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong kaharian namin dahil 1st anniversary na namin ni Antimony. Makikipagkita ako sa kanya sa Love Garden na pwede lamang puntahan ng mga nag-iibigan.

Malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang dalawang taong nasa Love Garden. Napaisip ako kung sino ang dalawa kaya agad ko itong nilapitan.

Halos matigil ang paghinga ko nang makilala kung sino ang dalawang iyon nang makalapit ako. "Antimony...Jazzelea..."

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon