Chapter 2

10 3 0
                                    

CHAPTER 2: RIVAL

Argonnie's POV

***

"Hmm...ang sarap talaga ng mani ko." Saad ko habang nilalasap ang paninda kong mani. Dumukot muna ako sa paninda ko. Antagal kasi ng jeep eh.

Tama kayo, nagtitinda ako ng mani. Ayaw ko kasi na aasa na lang ako kay Dad at Madam sa nga panggastos ko lalo na kay Madam. Nakikitira na nga ako sa kanila eh, ayoko pang maging pabigat.

Nang may mapadaang jeep, kaagad ko itong sinenyasan. Nang huminto ito, sumakay naman agad ako. Habang naakyat ako sa jeep, nakatingin sakin yung mga pasahero. Ngayon lang kayo nakakita ng cute, mga Bes? Dzuuh.

Sakto naman akong napaupo sa tapat ng magjowa. Nakasandal 'yung babae sa balikat ng lalaki. Teka, anong grade na ba ng dalawang 'to? Napatingin ako sa ID at grade 7 lang pala sila?

"Happy Monthsary Honeybunchsweetiepie." Nakangiting sabi nung babae sa lalaki.

"Happy Monthsary din Honeybunchsweetiepie. Kapit ka lang ah? 'Wag kang bibitaw. Papakasalan pa kita." Sagot naman nung lalaki.

Whuut? Papakasalan? Grade 7 palang kayo, 'no. Aralin nyo muna ang radicals, okay? Tsaka 'wag bibitaw? Baka nga hanginin lang kayo bumitaw na eh. Hanggang 2 months lang 'yan mga Bes. Dzuuh. Tumigil kayong dalawa kayo, kundi matutulad kayo sakin lalo na si Ate Gurl. Masasaktan ka lang, tulad ng pananakit na ginawa sakin ng ex ko.

"Pwe." Napairap na lang ako at kumuha ng barya. "Bayad po!" Sabay abot ko ng P20. Tumingin muna ako sa labas habang naghihintay ng sukli.

Kamusta kaya ang magiging buhay ko sa private school? Base kasi sa mga nababasa ko, maraming nerd at bully doon. Alin kaya ako sa dalawa? Natatakot ako kasi baka bullyhin ako dahil nga morena ako at hindi maputi. I'm too scared to be judged. Ayan, napapa-english tuloy ako.

Napansin kong malapit na ako pero hindi pa rin ako sinusuklian.

"Manong 'yung sukli ko po!" Sigaw pero dedma lang si Manong. "Suuukli ko po!" Nilaksan ko pa pero dedma pa rin. At talagang binuksan pa ang music ah, kaya mas naging maingay. "MANONG 'YUNG SUKLI KO PO!!!" Sobrang lakas na nung sigaw ko pero dedma pa rin. Ang lakas kasi ng music. Nakatingin na ngayon sa akin 'yung mga pasahero pati na rin 'yung magjowa sa harap ko. Kaya humigop ako ng hangin dahil magsusuper sayan na ako. "HOOY MANONG NA BINGI NA MAHILIG SA MUSIC!! MAWALANG GALANG NA PO!! PAKIBIGAY NA MAN 'YUNG SUKLI KO OH!! WALA AKONG PAMBAON MAMAYA!! DZUUUH KAPAG WALA AKONG BAON MAMAMATAY AKO SA GUTOM AT IKAW ANG UNA KONG MUMULTUHIIIN!!!" Ansakit tuloy ng lalamunan ko.

"Oh eto na! Dami mo pang sinasabi! Para 12 pesos lang eh." Sigaw din nung driver. Luh, sya pa ang galit? Tapos kulang pa nung piso 'yung sukli.

Nakainis naman 'yung driver, 'di man lang inisp kung anong mararamdaman ko. Parang 'yung ex ko.

Tumalon nalang ako palabas ng jeep dahil sa inis. Ansakit pala sa paa. Huhuhu.

Buti na lang, malapit na 'yung school. Lalakarin ko na lang.

"Oh mani kayo dyan! Napakasarap! Tatalino kayo dito mga Bes!" Sinulit ko na rin ang pagkakataong makapagbenta ng mani.

May lumapit naman sa aking babae. "Magkano po 'yan?"

"4 pesos lang po." Oh 'diba ang mura ng mani ko. Syempre konti lang ang laman eh.

"Pabili nga pong isa. 'Yung matamis." Sabi niya kaya kumuha ako ng maning matamis. Nakabalo na 'yun sa plastic kada pack para madaling magbenta. Iniabot ko sa kanya iyon kaya binigyan nya ako ng limang piso. "Keep the change." Tapos naglakad na sya palayo. May pag-Keep the change pa si Ate, eh piso lang naman ang sukli niya. Pero okay na 'yun, because 1peso is the foundation for 1 million pesos.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon