Chapter 4

11 3 0
                                    

CHAPTER 4: WISH GRANTED

Argonnie's POV

***

"Lagot ka sakin bukas." Pananakot na bulong ko kay Jazz pero nginisian nya lang ako. Lagot talaga sakin 'tong babaeng 'to.

"Tara na?" Wika ni Allendon.

Tulad nga ng sabi ni Allendon kanina, kakain kami ng crushed ice ewan ewan. Nauna nang umalis si Khevinder at kaaalis lang din ni Jazz.

Kasalanan ni Jazz kung bakit ko makakasama ngayon si Allendon. Hindi naman sa ayaw ko, pero di ko rin gusto. Naiilang kasi ako sa kanya sa 'di malamang dahilan. Ise-search ko nalang sa google mamaya 'yung dahilan.

Naglakad na ako papalapit kay Allendon. Lumayo ako ng 11 inches and 7/16. Oh diba, nasukat ko pa 'yon? Nakikinig kasi ako tuwing TLE time.

"Uhm, saan ba merong tinda nung sinasabi mo?" Tanong nya nang hindi tumitingin sa akin.

Saan nga ba? Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung tinutukoy ko.

"Sa..."

"Sa?" Tanong niya pero this time, tumingin siya sa akin kaya naiilang na naman ako.

Ano ba kasi 'yung tinutukoy kong crushed ice? Halo-halo? Oo nga, halo-halo.

"Sa may tindahan dun ng halo-halo." Palusot ko.

"Halo-halo pala 'yun?" Di makapaniwala nyang tanong.

"Ay hindi, mix-mix." Pambabara ko. "Oo, halo-halo 'yun. Pina-sosyal ko lang."

"Ahhh." Tumango pa sya.

"Labyu." Duktong ko sa "ahh" nya.

Bigla syang napatigil. "Ha?"

"Hakdog."

Lalong kumunot ang noo nya. "Eh?"

"Ehtlog." Sabay naming wika kaya napatawa kami. Teka, bakit ba kami natawa? Wala namang nakakatawa ah?

"Ito na ba 'yun?" Tinuro nya 'yung sosyaling tindahan ng halo-halo.

"Ha? Hindi 'yan. Ang mahal naman dyan." 100 pesos ang halo-halo dyan eh, kasing mahal ng milktea. Pero mas mahal kita yieeee vote mo 'tong chapter na 'to ah.

Ngumisi sya. "Don't worry. Ililibre nalang kita."

"Tologo?" Nanlaki ang mata ko. "'Wag na, nakakahiya naman."

"Don't be shy, magkaibigan naman tayo 'di ba?" Nakangiti niyang wika.

"F-Friends tayo?" Gulat kong tanong.

"Ay hindi, enemies. Kaya nga kita ililibre." Pambabara nya.

"Shige na nga." Nakangiti kong sabi.

Maglalakad na ako papasok pero napahinto ako nang hawakan nya ako sa kamay. Bigla akong nakaramdam ng parang kuryente sa kamay ko. May electric powers ata 'tong si Allendon eh.

Agad ko naman itong tinanggal kaya napatingin sya sa akin. "Bakit?"

'Kenelekeleg kese eke.' Yan ang gusto kong sabihin pero 'wag na lang. "B-Baka marumi ang kamay ko." Palusot ko. Bakit ba kasi ako kinikilig?

"Ayus lang." Saka nya muling hinawakan ang kamay ko kaya naramdaman ko na naman ang malambot nyang kamay. Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na ang pisngi ko. Kamatis mode na!

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon