Chapter 15

2 0 0
                                    

CHAPTER 15: WHO

***

SOMEONE'S POV

"Teh." Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman sya habang nahigop ng milktea. "Bakit teh?"

Humigop ako sa hawak kong milktea. "May chika ako."

Napangiti sya. "Spill the tea, bakla."

Kumunot ang noo ko. "Itatapon ko 'to?" Turo ko sa milktea ko. "Milktea 'to ah? Hindi tea."

Natawa sya sa sinabi ko. "Shunga ka talaga. Ang ibig kong sabihin, sabihin mo na yung chika mo."

Napatango naman ako. "Ahhhh." Akala ko kasi itatapon ko 'yung milktea ko. "Pero bago 'yan, ang sarap nitong milktea ah! Pag-uwi natin sa mundo natin magnegosyo ako neto! Papatok 'to tapos yayaman ako!" Nakangiti kong sabi.

Inis naman syang tumingin sakin. "Oo na! Ano 'yung chika mo? Sabihin mo na dali! Nabubuhayan 'yung chismosa spirit ko ngayon."

"Pero may tanong muna ulit ako." Lalo syang nainis sa sinabi ko. "Bakit ba nandito tayo sa damuhan sa likod ng school? Lagi nalang tayo dito tumatambay. Baka may ahas pa rito. Ayaw ko matuklaw 'no."

"Di ka takot makipaglaban sa isang daang kalaban pero takot ka sa tuklaw ng ahas?" Nang-aasar na sabi nya. "Maganda kasi rito. Walang ganitong damo sa mundo natin. Tsaka kita mo 'yan?" Tinuro nya 'yung kulay brown na bagay na nasa damuhan. "Ang tawag dyan, poopoo ng aso. Walang ganyan sa mundo natin, diba? Poopoo lang ng dragon meron."

"Oo nga 'no. Iuwi mo kaya?" Suggestion ko.

"Later. Oh ano na 'yung chika mo?"

Humigop muna ako ng milktea bago magsalita. "Kilala mo 'yung anak ni Marites?" Tumango sya. "Nako. Buntis! At nanganak na pala!"

"Talaga? Grabe naman!" Gulat nyang sabi. "Grabe mga tao 'no? Ambata-bata pa nabubuntis na. Buti sa ating mga Elpida walang ganon."

"Tapos eto pa." Naglapit kami. "Alam mo 'yung Facebook?" Tumango sya. "Nag-post sa Facebook. Blessing daw!" Dagdag ko.

Sabay kaming tumawa. "Napaka-judgemental talaga natin 'teh!" Sabi nya pa.

"Tuwang-tuwa talaga sa chismis 'tong si Jazzelea." Pang-aasar ko pero sinamaan nya ako ng tingin. "Wait wait wait! There's more!" Malawak ang ngiti ako. Para mawala inis nya sa pang-aasar ko.

"May chika ka pa? Go lang 'teh."

"Makinig kang mabuti 'teh." Naglapit kami. "Nung sinusundan ko sina Argonnie sa mall noong isang araw, may eksena 'teh! Nandon din 'yung nakakuha ng sinumpang cellphone!"

Nanlaki ang mata nya sa gulat. "Talaga 'teh? Legit no lies?"

Agad akong tumango. "Oo 'teh! Kaya malamang hinahabol na ni Siwang 'yun!"

Parehas kaming natigilan nang biglang may lumapit sa amin.

"S-Siwang..."

"Yung perlas!"

***

ARGONNIE'S POV

Nasa harap ko ngayon ay ilang mga sulat o letter. Siguro mga nasa sampu ito. Normally mga 25 kada araw ang natatanggap ko mula sa taga-gabay namin pero sampu lang ang natanggap ko dahil nasa kalagitnaan ako ng misyon ko. Dapat nga hindi ako bibigyan pero ako na mismo ang nanghingi. Nakaka-miss din kasing tumupad ng hiling ng mga tao eh.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon