Prologue

22 3 0
                                    

A/N:Dedicated to @VanaCantar. Siya kasi yung nagturo sakin na gumawa ng prologue. Thank you very much! First serious story ko 'to. Gagalingan ko na ngayon, promise. Sana magustuhan 'nyo.

***

Ang buhay, parang roller coaster.

Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas.

Magugulat ka na lang bigla dahil sa mga hindi inaasahan.

'Di inaasahang biglang pagbaba o pagtaas, pagliko pakanan at pakaliwa.

Kaya sabi nga nila, "Expect the unexpected".

Ngunit paano kung inaasahan mo ang isang bagay na makakasasama sayo, pero di mo mapigilan?

Paano kung sarili mong kaibigan, gawin ang di inaasahan?

Paano kung tuluyan ka nang nahulog sa maling tao, pero di mo mapigilan?

Patuloy ka pa rin bang aasa?

O ititigil mo na?

Lalaban ka pa ba?

O susuko ka na?

Kung aasa ka at lalaban ka, hanggang kailan?

Paano kung natutupad mo ang hiling ng iba,

Pero ang sarili mong hiling, di mo matupad?

Ganyan ba kalupit ang tadhana?

"Sana naman, magawa mong ibalik ang pagmamahal na ibinigay ko sayo sa akin."

Iyan ang hiling niya.

Ngunit ang masakit, hinding-hindi iyon matutupad.

Dahil ang hiling niyang iyon ay isang...

VERBOTEN WISH

***

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon