Chapter 14

2 0 0
                                    

CHAPTER 14: BRING IT BACK

ARGONNIE'S POV

"That's all and we hope that everyone learned something from our presentation. Thank you." Nakangiti kong wika.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Nagkatinginan namin kaming apat at ngumiti sa isa't-isa. Nasa harapan kami ngayon dahil katatapos lang namin ipresent yung pinaghandaan naming presentation.

"Great job, everyone!" Nakangiting wika ni Allendon nang makabalik na kami sa upuan namin. Nag-apir pa kaming apat.

"Grabe, nakakakaba! Muntik na akong ma-mental block kanina." Ani Khev sabay hinga nang malalim.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas ay tapos na ang presentation namin. Grabe yung kaba ko kanina. Malaki ang part nito sa grade namin kaya ginalingan namin kahit na kaunti lang ang oras na binigay sa oras. Syempre kahit na hindi ko matatapos ang school year na 'to kasi nga bilang lang ang oras ng pananaitili ko sa mundo, kailangan ko pa ring galingan dahil natututo rin ako dito ng mga bagay na hindi natuturo sa mundo namin lalong-lalo na ang Science. Kaya STEM ang kinuha ko strand dahil doon. Syempre sa mundo namin hindi mahalaga ang science ng mga tao dahil may sarili kaming science doon. Pagkatuto talaga ang gusto ko dito sa paaralan, hindi mataas na grades.

Makalipas ang ilang sandali ay naglakad na sa unahan ang teacher namin para kunin ang mga card sa table.

"Here are your scores." Lumapit siya sa kada grupo at binigay ang card na siguro ay may lamang scores.

"Hala, ano kayang score natin? Sana mataas." Kinakabahang sabi ni Jazz.

Lumingon sa amin sina Allendon at Khev. "Let's see." Wika ni Allendon at tinanggap ang card mula sa teacher namin.

Tumayo kaming dalawa ni Jazz para makita ang nakasulat doon. Dahan-dahan niyang binuksan ang card para makita ang score namin.

Napatayo kaming lahat dahil sa tuwa. "Perfect score!" Tuwang-tuwa kong sabi.

"Wooh! 100/100!" Tuwang-tuwa ring sabi ni Allendon.

Napatingin tuloy sa amin ang ibang grupo. Napansin namin iyon kaya umupo kami. Hindi naman nagalit ang teacher namin dahil nakangiti pa nga sya na parang proud sa amin.

"Yes! Ang galing natin!" Nakangiting sabi ni Khev habang nakalingon sa amin.

Nagsalita rin si Jazz. "Akala ko nasa 90 lang tayo. Sigurado akong ang taas ng grade natin neto!"

"Syempre naman! May teamwork tayo eh." Sabi ko at umapir sa kanila.

Mabuti talaga kung mayroong teamwork at communication ang bawat isa. Dahil dito, mas naabot namin yung objective namin.

"Mabuti at di puro pang-aasar ang inatupag nitong si Khev." Pang-aasar ni Jazz.

Nginitian lang sya ni Khev. "Tara sa mall bukas?" Pag-aaya niya.

Nagkatinginan kami ng Jazz. Sabado bukas kaya pwede kaming gumala. "Sige ba." Sabay naming sagot.

"Hindi ako available tommorow." Napatingin kaming tatlo kay Allendon na nakakamot sa batok.

"Bakit naman?" Curious kong tanong. Sabado naman eh tsaka wala na kaming pinaghahandaang exam at projects.

"May date kami ni Irlane. Monthsary namin bukas eh."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Ahh ganun ba?"

"Maya nalang pag-uwi? Tawagan ko nalang si Mom para magluto na sya." Suggestion ni Khev.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon