Interlude

2 1 0
                                    

INTERLUDE: MOMENTS

Argonnie's POV

***

Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga dahil sa pagod. Masyadong madaming nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang gulo. Nakaka-stress. Feeling ko tuloy sasabog na ako kapag nadagdagan pa 'to.

Kamusta kaya si Allendon ngayon? Stressed din ba sya? Sana ayos naman sya.

I'm always thinking of him while he's always thinking about other person. Probably not me.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin yung mga panahong friends pa kami.

*Flashback*

***

"May assignment ka?" Tanong sa akin ni Jazz habang nagsusuklay ako. Breaktime namin ngayon kaya walang ganap.

Nagtaka ako. "Assignment?"

"Yung types of bacterias! Wala pa akong nagagawa! Ngayon ko lang naalala eh. Pagaya naman!" Kinakabahan nyang sabi.

"Ala oo nga pala!" Gulat kong sabi.

Dahil kailangan talaga naming magka-assignment wala na kaming choice kundi manggaya nalang kina Allendon.

"Allendon baka naman." Sabi ni Jazz pagkalapit namin sa kanila.

"Manghihingi ka ng pagkain?" Tanong ni Khev.

"Hindi ah! Manggagaya lang ng assignment." Sagot ni Jazz.

"Wala kayong assignment?" Tanong ni Allendon. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Feeling ko tuloy napaka-iresponsable ko. Nakalimutan ko kasi eh.

"May assignment ba?" Sabat ni Khevinder.

"Meron. Yung types of bacteria ba yun." Sagot ko naman.

"Meron ako. Kung gusto nyo gumaya nalang kayo sa akin." Suggestion ni Allendon.

Dahil yun naman talaga ang pinunta namin, nilabas namin ni Jazz yung yellow paper saka nagsimulang magsulat.

"Uy teka, ako rin!" Dali-daling naglabas ng papel si Khev.

Hinarap ni Allendon si Khev. "Hindi ka nakagawa ng assignment?"

"May tournament kasi kami dun sa nilalaro kong online game kaya ayun, hindi ako nakagawa." Sagot niya habang kumokopya.

Tinulak ni Allendon si Khev sa balikat nang mahina. "Lagot ka. Susumbong kita kina Mama." Pagbabanta ni Allendon.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon