Chapter 6

1 0 0
                                    

CHAPTER 6: PARTY

Argonnie's POV

***

"Okay na ba ito?" Tanong ko kay Jazz pagkaharap ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa pagkahanga. "Whoaaa! A-Ang ganda!"

Napangiti ako. "Pwede na 'to?"

Tumango sya. "Pwedeng-pwede! Ang ganda ng dress mo! Baka ikaw pa ang may pinakamagandang dress sa party mamaya."

Muli akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Nakasuot ako ng green and black dress para sa party mamaya. Emerald kasi ang theme ng party.

Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, may nahagip ang mata ko sa salamin. May babaeng unti-unting lumapit sa akin at hinawakan at balikat ko. Noong una ay hindi ko makita nang maayos ang mukha niya pero biglang tumulo ang luha ko nang makilala ko sya.

"M-Mom..." Naluluha kong sabi.

Totoo ba ito? Ang reyna ay nandito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong saya at pagka-ulila ang nararamdaman ko.

Ngumiti siya. "Ang ganda mo talaga anak. Bagay na bagay ka talagang maging reyna."

Pinagmasdan ko syang maigi. Maganda talaga ang nanay ko, bagay maging reyna. Maaring ilusyon lang ang nakikita ko pero sana totoo nalang ito. At kung panaginip man, sana di na ako magising. Gustong-gusto ko siyang makasama. Gusto kong makasama ang nanay kong matagal nang nawalay sa akin.

Mas bumuhos pa ang luha ko sa sinabi niya. "Pangako Mom, magiging reyna rin ako tulad mo. Mahal na mahal kita, Mom. Ikaw po ang role model ko. Ikaw po ang hinahangaan ko. Magiging tulad nyo po ako, Mom. Pangako."

"Maganda iyan, anak. Basta't lagi mong tatandaan, mag-ingat ka sa mga nakakasalamuha mo. Hindi mo alam kung sino ang kalaban at kakampi." Nakangiti niyang sabi.

"A-Ano pong ibig nyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Ganon na lamang ang pagkabahala ko nang unti-unti siyang naglalaho. "M-Mom...mom!" At tuluyan na siyang naglaho.

Bigla ko nalang naramdamang inaalog ako ni Jazz at nasa harap ko siya.

"Uy! Ayos ka lang?" Tanong niya.

Pinunasan ko yung luha ko na kanina pa tumutulo.

"N-Nakita ko ang Reyna..." Nakatulala kong sabi.

"H-Ha? Paano? At anong ibig sabihin nito? Patay na sya?" Nagulat ako sa huli niyang sinabi.

"Hindi..." Umiiling kong sabi. "Hindi pa sya patay...hindi pwede yun."

Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong umaasa na buhay sila ni Irish. Na mayayakap ko ulit sila at makakasama sila habangbuhay.

Verboten WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon