DANIELLA POV:
"Ano ma? Bakit?" Sabi ko kay mommy wala akong pakealam kung sabihan nila na wala akong manners.
"Anak, ganyang ba umasal ang isang Castro ha. Umayos ka" sabi ni mommy. Kainis siya pa galit ako dapat eh
"Pumunta ka na ng sala. Dun tayo maguusap." Syempre sununod ko ang magaling kong nanay. INIS!
*SALA*
"Niella, hindi lang matutyloy ang marriage na ito kung meron kang maipapakilala sa akin na boyfriend mo." Sabi ni mommy. TAE paano ako magkakaboyfriend kung panget ako.
"Mommy, wala akong bf. Jusko ilang taon palang ako."
"Matanda ka na. Mag 18 ka na diba. Hindi ka tumatanda ng paurong Daniella." So galit nanaman siya. Okay!
"Ayaw ko parin mommy. Tsaka bata pa kaya ang 18."
"Ummm...Ayaw ko sa kanya. Hindi ko nga siya kilala eh." Sabi ko pero alam ko sa sarili ko na kilala ko siya.
"Anak, mabait naman si Kyle eh. Sige na." Ayaw ko kasi si SEAN un. Buong pangalan kasi ni Sean ay Sean Kyle Perez parehas pa nga sila ng kupal na yun eh kaya bwisit din ako sa kupal na yun eh. Sa totoo lang hindi ko pa naman talaga nakita ang mommy at daddy ni Sean eh kaya hindi ko alam na sila pala yung anak nila.
"Mare, uuwi na kami may gagawin pa kasi kami ni Jessie eh. Mauna na kami ha. Babalik na lang kami bukas." sabi ni Tita Jessica.
Umalis na sina Tita Jessica kaya aakyat narin ako. Wala naman na akong gagawin nawalan naman anko ng gana na kumain dahil dun. Paano ko kaya masosolusyunan yun.
Nandito na ako sa room ko at nakahilata na ako. Tinamad tuloy akong magaral at gawin yung report ko para next week.
"HAYY!! Paano kaya ako makakawala sa bwisit na arranged marriage na yan. Para namang kasing tanga at uso pa ba yun sa panahon na ito. Sa Chinese lang naman uso yun eh hindi naman kami Chinese." nagmuni muni ako ngayon at may bigla akong nalala
"AYUN!!!! Diba sabi ni mommy na kapag may naipakillala ako na boyfriend pwedeng hindi matuloy. Kung ipakilala ko kaya si Kyle. Tanungin ko nga siya bukas."
Naisipan ko nang matulog kasi 11 na ng gabi baka malate pa ako sa klase ko bukas. Sana makausap ko si Kyle at pumayag siya.
KYLE POV
Nagmamadali akong umuwi kasi tumawag ang butler namin tungkol kay mommy. Importante daw kaya nagmamadali ako.
Nandito na ako sa harap ng bahay namin at nagmamadaling pumasok.
"Young Master, nasa taas po ako ang doktor ni Ma'am. Umakyat na po kayo" sinalubong ako ng butler namin at mukhang masaya siya.
Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ni mommy at nakita ko na si mommy ay nakaupo. Nagulat ako dahil pkapag umuupo siya nanghihina siya.
Nakita ako ni mommy at ngumiti sa akin kaya niyakap ko siya kaagad kasi feeling ko okay na siya at hindi na niya ako iiwan.
"Doc, ano po bang lagay ni mommy? Okay na po ba siya?" tanong ko sa doktor.
"Medyo umookay na ang lagay ng mommy ko. Ituloy niya lang ang pagiinom ng gamot niya pwedeng na siyang lumakas ulit at titignan natin kung magiging tuluyan na okay na siya" nung narinig ko ang mga sabi ni doktor hindi ko alam kung anong mararamdaman. Sobrang saya ko dahil hindi na ako iiwan ni mommy at makilala pa niya si Niella.
"Anak, matutulog na ako dahil medyo napagod si mommy eh. Dito ka muna matulog sa tabi ni mommy ha. Babawi si mommy sayo pag gumaling na ako." sabi ni mommy.
Umalis na ang doktor at pupunta ulit siya sa Friday par icheck ulit si mommy. Natutulog na kami ni mommy at nagkwentuhan kami. Maaga kami gigising at mageexercise kami para mas lumakas pa si mommy.
"Goodnight anak. I love you. Promise babawi si mommy sayo." sabi ni mommy sa akin. Kung iisipin niyo babae lang ang dapat ginaganito pero isa akong mommy's boy pero hindi ako laging nakaasa kay mommy talagang ayaw ko lang siyang mawala sa akin.
"Goddnight din mommy. Wag po kayong magalala nakabawi na po kayo sa akin kasi po lumalakas na po kayo ulit. I love you too mommy."
Kahit ilang taon na ako at kahit anong tangkad at laki ng katawan ko hindi parin mawawala ang pagmamahal ko kay mommy at hindi ko hahayaan na hindi niya makita ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Si Daniella Marie Castro.
A/N: YOW CHINGGUS!!!! Im here again! Thanks for all the supports and feel free to vote and to comment. Ciao~~
![](https://img.wattpad.com/cover/11565503-288-k628489.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus NERD and Campus HEARTHROB
HumorPaano kaya ang NERD na palaban ng school magmamahal ng HEARTHROB ng Park University? Magiging masaya kaya sila o sa huli si NERD masasaktan na lang ulit.