CHAPTER 24

66 3 0
                                    

DANIELLA POV

After 3 weeks

Hayyyy... This is it pancit lumipas na ang 3 weeks kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Sean na hindi ko na siya kayang balikan kasi alam ko sa sarili ko na wala na talaga yung pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko na siya kayang ibalik kahit na pag-isipan ko pa ng sampung taon. Tsaka kahit naman mahal ko pa siya bat naman ako makikipag-arrange marriage sa kanya. Gusto ko kapag nagpakasal ako kami talaga para sa isa't isa.

As of the moment, naghahanda na ako para pumunta ng school at naghahanda narin ako para sa pagkikita namin ni Sean at para Hindi ako makapagbitaw ng mga salitang pwedeng makasakit sa kanya.

*SCHOOL*

Ngayon nandito na ako sa school at sobrang kinakabahan ako sa mga mangyayari mamayang lunch tsaka parang may hindi magandang mangyayari sa araw na ito bukod pa sa pag-uusap namin ni Sean ngayon.

Nagtataka rin kasi ako kasi ilang araw nang absent si Kyle at hindi rin naman ako mapakali sa biglaan niyang pag-absent. Pero saka ko na siya iisipin kasi may mas importante ako ngayong haharapin.

*LUNCH BREAK*
Hayy. Buti naman at lunch na dahil sobrang gutom na ako. Hindi naman kasi ako nakapag-breakfast kanina dahil sa sobrang kaba at pagmamadali.

Kaya pipila na ako ngayon sa canteen dahil sobrang haba na ng pila nang may biglang humawak sa kamay ko. Nang tinignan ko ay si Sean ito. Jusko hindi pa ako kumakain may drama kaagad na mangyayari.

"Sean, pwede bang kumain muna ako bago tayo mag-usap? Kanina pa ako nagugutom eh."

"Daniella, wag ka nang pumila dyan may dala naman akong pagkain at yun ang paborito mo na sinigang na habol ang dala ko." At ako naman si gaga natakam kaagad sa sinigang at yan gumora na kami.

"So Daniella, nakapag-isip ka na ba?"

"Wait lang noh, upo kaya muna tayo at kumain. Hindi ka ba makapaghintay?" sabi ko eh pano naman kasi hindi pa nga nakakaupo bubungaran ako kaagad ng tanong. Sobrang excited lang ganun.

So ayun, kumain muna kami pero hindi kami nag-uusap habang kumakain. Walang nagsasalita sa amin at ni pagkuha ng ulam at pagnguya ay hindi namin magawan ng ingay.

"Whooh. Solve na solve ako dun Sean. Thank you Sean."

"Daniella, may sagot ka na ba sa tanong ko?" Sabi niya at hindi ko na maiiwasan ang tanong niya kahit na anong gawin ko.

"Oo, Sean sa 3 weeks na binigay mo sa akin pinag-isipan ko lahat. Nung una tayong nagkita at hanggang sa maghiwalay tayo. Tinimbang ko naman sa puso ko kung ikaw o si Kyle eh." Sabi ko at parang naiiyak na ako kasi alam ko sa desisyon ko may masasaktan.

"Pero Sean, di ko kayang iwan ng biglaan si Kyle. Oo inaamin ko inis na inis ako sa kanya kasi napaka-bully niya. Pero nung kailangan ko ng tao para protektahan ako nandun siya palagi. Hindi niya ako iniwan at ngayon na alam ko na kailangan at gusto ko siya hindi ko siya pwedeng iwan."

"Daniella, nagmamakaawa ako sayo. Ako na lang ulit please. Hindi ko kaya na wala ka. Sapat na yung ilang taon na naghiwalay tayo. SAPAT NA YUN!" Hindi  ko mapigilin ang luha ko nang nakita ko na umiiyak si Sean.

"Oo Sean, sapat na yun. Sapat na yung mga taon na yun para makapag-move on ako at maghanap ng iba. Sapat na yung taon na yun para hindi na kita iyakan. Sapat na yung taon na yun para sarili ko naman mahalin ko. At sapat na yun para mapatawad kita." Alam ko nasasaktan siya sa mga sinabi ko pero kailangan ko tong sabihin.

"Sean, nung iniwan mo ako gumuho mundo ko. Gumuho yung pangarap ko kasi akala ko hanggang sa matupad ko yun kasama kita. Naligaw ako Sean at dumaan sa daan na kung saan feeling ko walang makakahanap sa akin. Oo bumalik ka pero bakit ngayon pa? Ngayon pa na hindi na ikaw."

Nakayuko lang si Sean at umiiyak. I hugged him for the last time. I hugged him with my remaining feelings for him. I don't want to see him devastated but I need to do this because I don't want it to be too late for me to say my goodbyes to him.

Inangat ko ang ulo niya and kisses his forehead for the last time.

"Au revoir Sean" and with that I stand up and walked away with tears in my eyes.

Naglakad lang ako nang naglakad sa garden ng university namin. At hanggang ngayon umiiyak parin ako. Hindi ko mapigilan kasi alam kong nakasakit nanaman ako ng damdamin at kay Sean pa. Pero alam ko tama ang ginawa ko. Kailangan na namin palayain ang isa't-isa para makapaghanap at makapagmahal ng iba.

Napagod na ako kakalakad at umupo na. Tumingin ako sa langit upang makahanap ng kapayapaan pero kahit ang langit ata nararamdaman ang nararamdaman ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ko lang ang pagpatak ng ulan sa aking mukha at buong katawan ko na para bang inaalis ng ulan lahat ng sakit at pighati para makapagsimula ulit ako ng bago.

"Anong ginagawa mo dyan? May balak ka bang hindi umaatted sa engagement party natin dahil may sakit ka ?" Napatingin ako sa may nagmamayari ng boses na yun at Kyle yun. Hindi ko napagilang tumakbo at yakapin siya. Kailangan ko ng tao ngayon na alam kong yayakapin ako.

"Bakit naman umiiyak ang nerd ng campus? Wag ka nang umiyak panget ka kapag umiiyak ka eh. Tahan na." Dahil sa sinabi niya lalo ko syang niyakap ng mahigpit.

"Tara na nerd. Umuwi na tayo. Ayaw kitang makitang malungkot. Kung ano man ang rason ng pag-iyak mo at kung alam mo naman na tama ang desisyon mo tumahan ka na kasi ang mas importante ngayon ay ang lumaya na kayo sa nakaraan at harapin ninyo ang ngayon at ang future.0 Sabi niya at dahil doon tumingin ako sa kanya at ngumiti.

~~~~~
So that's it! Tapos na ang chapter na ito. I promise you guys weekly na ako mag-uupdate para makabawi naman ako sa inyo. Thank you for the support guys! 💕💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus NERD and Campus HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon