Part Eleven

11.9K 140 81
                                    

College Life Love Story (Part 11)

By: Babyboy

Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Yuan. Pagkatapos niyang ipag sigawan sa buong El Nido na ako ang mahal niya, parang lahat na tao nang gabing yun eh sa amin lang nakatingin. Yung iba nakikipagkamay pa at pinupuri yung katapangan ni Yuan at yung uri ng relasyon na meron kami. Nakaka proud. Basta, ang sarap at ang gaan lang sa feeling.

Pagkarating naming sa kwarto, niyakap ko agad si Yuan.

Yuan: Hmmm, bakit babyboy?

Hindi ako sumagot.

Niyakap ko lang sya ng sobrang higpit. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya sa ginawa niya. Ayokong sumagot sa tanong niya. Ayokong sabihin sa kanya kung bakit ko siya niyakap.

Gusto ko lang iparamdam sa kanya kung gaano ako ka thankful kasi siya yung boyfriend ko.

Sa pamamagitan ng yakap na yun, gusto ko malaman niya na sobrang saya ko.

Siguro nahulaan niya na kung bakit ko siya niyakap. Kaya niyakap din niya ako ng mahigpit.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatayo sa may pinto ng kwarto at magkayakap lang. Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala yung luha ko.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero sigurado ako na ang iyak na ito ay hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil sa labis na kasiyahan.

Napansin naman ni Yuan na lumuluha ako. Kaya nagtanong siya. Sobrang nag-aalala yung mukha.

Yuan: Babyboy, umiiyak ka ba?

Hindi ko parin siya sinasagot. Mas hinigpitan ko pa yung pagkakayakap sa kanya.

Yuan: Babyboy, bakit? Bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako? Hindi mo ba gusto yung ginawa ko? Sorry, please. Sorry na.

Niyayakap ko parin siya. Hindi ako sumasagot. Mas mabilis na yung daloy ng mga luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako makapag salita.

Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako umiiyak dahil galit ako. Kundi dahil sa sobrang saying nararamdaman ko. Pero hindi ko masabi. Ewan ko kung bakit. Basta gusto ko lang siyang yakapin.

Dahil sa hindi ako sumasagot, kumalas si Yuan sa pagkakayakap sa akin. At nag-aalalang nagtatanong kung anong problema at paulit ulit na sinasabing "sorry na".

Nung ako'y nahimasmasan na, nagsalita na ako.

Ako: Loko loko, walang kang ginawang kasalanan. Masaya lang ako.

Yuan: Ha? Masaya ka, eh bakit ka umiiyak?

Ako: Ewan ko rin nga. Basta sigurado ako na hindi ito dahil sag alit ako o ano. Masaya lang talaga ako.

Yuan: Sigurado ka?

Ako: Oo naman.

Yuan: Babyboy naman, pinakaba mo ko. Akala ko galit ka. Akala ko hindi mo nagustuhan yung ginawa ko. Wag mo nang uulitin yun ha? Sobrang nakakabaliw. Hindi ko alam kung ano yung ------

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin.

Hinalikan ko siya sa mga labi. As in sa labi.

Maalaba. Mapusok.

Bakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat sa aking ginawa.

Piramdam ko sa kanya yung kasiyahang nararamdaman ko. Hindi ko man mapantayan yung ginawa niya kanina, at least man lang makabawi ako sa pinakita at ginawa niya kanina. Kahit sa halik lang.

College Life Love Story | B.L Story PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon