Part Seventeen

282 10 29
                                    

PART 17

Hindi ako makapaniwala sa Nakita ko.

Si Yuan, bumaba sa sasakyan. Hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi ko lubusang ma-explain kung ano ang nararamdaman ko.

Halo-halo na ata.

Pero isa lang ang sigurado ko. Kinakabahan ako ng todo.

Pababa sya ng sasakyan.

Sigurado akong si Yuan yun dahil maliban sa familiar ako sa sasakyan, alam ko rin na sya ang may-ari ng sapatos na nakikita ko.

Habang papalapit sya, mas lalong kumakalabog ang dibdib ko.

Nakatingin ako sa kanya. Na parang hindi alam ang gagawin.

Habang naka tingin sa kanya, napansin ko na may iba sa appearance nya.

Mukha syang malungkot. Sobrang lungkot. Mukhang kulang sa tulog. Parang kagagaling lang sa sakit.

Hindi ko alam. Yun yung napansin ko habang naka titig sa kanya at hindi alam ang gagawin. May kirot akong naramdaman sa dibdib ko habang nakikita ko sya sa ganung kalagayan.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang inakbayan ako ni Dave.

Nagulat ako. Ito na rin ata yung dahilan para bumalik ako sa katauhan ko.

Dave: Boss, okay ka lang? Andito lang ako. (seryosong sambit nito)

Napatigil si Yuan sa paglalakad nung makita nya na inakbayan ako ni Dave.

Napatingin naman ako kay Dave at pagkatapos, kay Yuan.

Gulong gulo ako.

Anong gagawin ko?

Kakalas ba ako sa pagkaka-akbay ni Dave?

Lalapitan ko ba si Yuan?

Hindi ko alam!!!!!

Para akong naging estatwa nang sandaling yun.

Hindi ako handa. Hindi man lang ako nakapag handa. I didn't expect na ngayon ko makikita si Yuan. Na makikita ko pa si Yuan.

Hindi ko alam kung gaano ka tagal kami sa ganung eksena.

Naka akbay si Dave sakin, habang nasa harapan namin si Yuan na napatigil sa kanyang nakikita, at ako na hindi alam ang gagawin.

Nung wala paring nagsasalita at kumikilos, nagsalita si Dave.

Dave: Pasok na tayo? (baling nito sakin)

Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Dahil sa totoo, hindi parin ako makapaniwala.

Nang walang ano-ano, nagsalita si Yuan.

Yuan: Pwede ba kitang makausap? (nakatingin sa akin at biglang baling kay Dave)

Gahhhhhdddddddd! God knows how much I missed that voice!

Nakaramdan ako ng Tensyon sa pagitan ng dalawa.

Magiging totoo ako, part of me is happy because I see Yuan. God knows how much I longed for him. Pero a part of me is still hurt and angry. Kasi after all, babalik sya na parang wala lang. Na para bang hindi nya ako iniwan sa era.

Nasa ganoong pag iisip ako. Nang biglang sumagot si Dave.

Dave: Pare, wag mo nang guluhin si Ja-

Yuan: Wag mo akong ma pare-pare dahil hindi tayo close. Si James ang tinatanong ko at hindi ikaw. (bumaling sya sa akin)

"Babyboy?" (Para bang naghihintay ng sagot ko)

Wahhhhhhh. Heto nanaman ako. Bumabalik sa pakiramdam ko yung unang beses nya ulit ako tinawag na "Babyboy" nung after nya mawala din dati ng mga isang buwan. Yung pakiramdam na nanghihina ka with just that simple word.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

College Life Love Story | B.L Story PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon