Part Six

6.7K 96 54
                                    

College Life Love Story (Part 6)

By: Babyboy

Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto. Andito nga pala ako sa kwarto ni Yuan. Bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi. Totoo ba yun? Yung mga ginawa at napag usapan namin? Nangiti ako habang iniisip yung mga nangyari kagabi. Pero teka, asan si Yuan? Wala na siya sa kama.

Napatayo agad ako sa kama. Hinanap ang cellphone ko. 7:55am na pala. Asan si Yuan? Bat wala na siya sa tabi ko? Hindi kaya natauhan na siya? Hindi kaya lasing lang talaga siya kagabi kaya nasabi niya ang mga bagay na yun? Bigla akong nalungkot.

Paano kung joke lang pala talaga ni Yuan ang mga nangyari kagabi?

Paano kung bawiin niya lahat ng sinabi niya kagabi?

Anong gagawin ko?

Anong sasabihin ko?

Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

Ah bahala na. Hindi naman siguro ganun si Yuan. Pero nasaan si Yuan?

Gusto kong lumabas ng kwarto ni Yuan. Para if ever sabihin niya na pang go-goodtime lang lahat yung kagabi, ay hindi niya ako maabutan sa kwarto niya. Gusto ko nang umuwi. Kinabahan ako. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko. Nagmadali akong hinanap yung mga damit ko kagabi at nagbihis ng mabilis. Nakapag desisyon na ako. Aalis na ako ng bahay nila, hindi na ako magpapaalam.

Para akong maiiyak ng mga sandaling yun. Masamang masama ang loob ko. Ang alam ko, gusto ko nang lumabas ng bahay na to. Kahit hindi ko alam ang daan pabalik sa bahay namin. Wala akong pakialam. Ang alam ko lang, gusto kong magtago at makalayo kahit saan basta hindi ko lang makita si Yuan.

Nakapagpalit na ako ng mga damit at lalabas na sana ako ng pinto ng bigla may bumukas ng pinto.

Si Yuan. Nakangiti. May tray ng pagkain.

Yuan: Goodmorning Ba-

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Nagtaka siya kung bakit nakapagbihis na ako at parang iiyak. Bigla niyang itinabi sa may lamesa ang dala niya mga pagkain.

Yuan: Oh, anong nangyari? Bat nakabihis ka na? San ka pupunta? (Nag aalala niya tanong)

Ako: Uuwi na ako. Padaanin mo ako.

Yuan: Ha? Uuwi? Kain na muna tayo. Ihahatid kita mamaya.

Ako: Ayoko, uuwi na ako.

Hinawakan ako ni Yuan sa magkabilang braso ko.

Yuan: Babyboy, anong problema? Anong nangyayari sayo?

Ako: Bitiwan mo ako.

Biglang lumabas ang mga luha sa mata ko.

Yuan: Umiiyak ka ba? Bakit? Anong ginawa ko, sabihin mo.

Ako: Sige na, sabihin mo na lahat. Sabihin mo na joke mo lang lahat nung kagabi. Na tanga ako kasi naniwala ako. Panalo ka na.

Yuan: Ano bang pinagsasasabi mo?

Ako: Wag ka na magkaila. Goodtime lang naman yung kagabi diba? Aminin mo na!

Nagtaka si Yuan sa mga pinagsasasabi ko. Hinawakan niya ulit ako sa braso dahil aktong lalabas nanaman ako ng pinto.

Ako: Bitawan mo ako! Uuwi na ako!

Yuan: Ayoko. Dito ka lang!

Ako: Uuwi na nga ako!

Niyakap ako bigla ni Yuan. Nagpumiglas ako pero hindi ko kinaya ang higpit ng yakap niya sa akin. Umiyak ako ng umiyak habang yakap niya ako. Nung napansin niya hindi na ako nagpupumiglas sa yakap niya, binitawan niya ako.

College Life Love Story | B.L Story PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon