Part Four

6.8K 81 30
                                    

College Life Love Story (Part 4)

By: Babyboy

Ilang minuto na mula nung hinatid ako ni Yuan sa bahay, pero di parin sya maalis sa isip ko. Ewan ko, parang naguilty ako bigla kasi nga alam ko kaya biglang nag iba yung mood nya eh dahil sinabi ko agad na ihatid na nya ako kahit kagigising niya pa lang. Sino ba namang hindi mababadtrip kapag ganoon, diba. Ahh, ewannn. Ayoko na siyang isiipin. Marami pa akong assignments na kailangang tapusin, pero di ko talaga magawa. Dahil hindi ako makapag-concentrate.

Pero di talaga maalis sa isip ko si Yuan. Yung sulat niya.

Baby Iyak?

Saan ko nga ba narinig yun?

Hmmmmmmmmmmmmmmmm.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog nanaman ako.

Pag gising ko, agad naman akong napatingin sa orasan: 2:30pm

"Juice Colored! Bat hindi na ako nagising. Hindi ko na napasukan yung dalawang subject ko ngayong araw. Yun na nga lang yung klase ko eh. Hindi na rin ako nakagawa ng assignments na kailangan kong gawin. Ahhhhh, lintik naman kasi tong Yuan na to! Kung pinauwi na niya ako kagabi pa, edi sana nagawa ko na yung assignments at hindi ako makaka-absent sa mga klase ko. Ahhhhh. YUANNNNN! Grrrr!"

Kung kanina ay kilig at guilty ang nararamdaman ko, ngayon napalitan ng inis. Kasi namannn. Dahil sa kanya, hindi ko nagawa yung mga kailangan kong gawin.

Ilang sandal pa, nakaramdam na ako ng gutom. Hindi pa nga pala ako kumakain kagabi pa. Hindi ko parin nga pala nakakain yung pinadalang pagkain sakin ni Yuan. Bigla nanaman akong sumaya nung maalala ko yung sulat nya.

Ahhhh. Bakittttt!? Napapasaya, napapakilig, napapainis, napapasaya ulit. Bakit ganun yung epekto niya sa akin!? Nababading na ata ako.

Binuksan ko na yung pagkain. Bacon, Hotdog at tinapay. Dahil sa sobrang gutom, kinain ko na agad ang pagkain at kinalimutan na ang aking inis dahil sa pagliban sa klase.

Makalipas ang ilang araw, wala na akong narinig mula kay Yuan. Ni hindi ko na siya nakikita sa school. Okay lang naman sa akin yun, kaso parang gusto ko siyang makita. Para magpasalamat dun sa pagkain. Para malaman kung galit pa ba sya. Kung ganun parin ba ang pakikitungo niya sakin.

Halos araw araw nagmamasid ako sa paligid ng school. Nagbabakasakali na baka makita ko si Yuan, pero hindi parin siya nagpapakita. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala.

Dumaan pa ang ilang mga araw, nasanay na akong hindi nakikita si Yuan. Para bang isang bula na bigla nalang wala. Pagkatapos ng mga kakulitan na ginawa niya, biglang disappear na agad ang drama nya.

Naging normal na sa akin ang mga bagay at pangyayari nung sumunod pang mga araw. Halos isang buwan na nung huling kita naming ni Yuan. Hindi ko na siya masyadong naiisip dahil na rin sa kabusyhan sa pag aaral.

Mas dumami na rin ang mga kaibigan ko sa school. Nakapag buo na rin ako ng maituturing kong kasama sa lahat ng gagawin ko kapag nasa loob ako ng paaralan o gusto kong gumala. Sa madaling salita, BARKADA. Apat kaming magbabarkada. Ako, si Anthony, Sean, at si Dave. Blockmates ko. Pero si Dave ang pinaka close ko sa lahat. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang bait bait pa.

Minsan lumalabas kami ni Dave ng kami lang. Tapos minsan nakikita kami ng ibang naming friends sa school. Tinutukso kami. Palagi nalang daw kaming magkasama. Bromance daw. Pero tinatawanan lang naming ni Dave. Kasi wala naman talaga. Magaan lang loob naming sa isa't-isa.

College Life Love Story | B.L Story PhilippinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon