College Life Love Story (Part 13)
By: Babyboy
Napaisip ako pero agad ko ring binawi. Ang sabi ko nalang sa sarili ko, "Hindi ka niya iiwan kung talagang mahal ka niya. Kaya please, itatak mo yan sa isip mo! Hindi na siya babalik. Masaya na sya sa piling ng Justin na yun!"
Hindi ko na inisip yung mga mangyayari kung sakali mang dumating si Yuan. Kasi wala na, ayoko ng isipin yun. Kung pwede nga lang, wag na syang bumalik eh. O kaya naman, wag na syang sumagi sa isip ko. Ayoko na siyang makita. Masasaktan lang ako.
Ang mahalaga sa akin ngayon, si Dave.
Paano ko masusuklian lahat ng kabutihan niya sa akin?
Gustong gusto kong bigyan ng chance si Dave.
Gusto kong bigyan ang sarili ko ng isang pang pagkakataong sumaya ulit.
Pero.....
Iba parin talaga ang sinisigaw ng puso ko.
Kainissssss!
Bakit ganun? Bakit mas gusto ng puso natin na ipagsisikan ang ating sarili sa isang taong wala naming pakialam at iniwan ka lang? Bakit hindi nalang niya pag-aralang mahalin yung taong andyan at naghihintay lang ng konteng pagmamahal? Ahhhhh! Ang gulo ng mundo!
Nagpahinga na muna ako at mayamaya ay maliligo na at para makapag pahinga na.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
Inutusan ko si Dave na halikan ako?
Ano bang pumasok sa isip ko?
Pero grabe, yung mga kinanta namin. Parang saktong sakto talaga sa mga nangyayari.
Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang nag text si Dave.
"Gising ka pa ba? Gusto sana kitang tawagan kaso baka tulog ka na. Baka maistorbo pa kita at magalit ka nanaman."
Napangiti ako.
Loko talaga tong Dave na to. Nagpapa goodboy pa eh. :D
Hindi na ako nagreply sa kanya dahil ako na mismo ang tumawag sa kanya.
Ako: Uyy, so anong kelangan mo?
Dave: Uyy, buti naman at gising ka pa.
Ako: So, ano nga? May sasabihin ka ba?
Dave: Eh kassssiiiii.
Ako: Kasi ano?
Dave: Hindi kasi ako makatulog eh.
Ako: Bakit naman?
Dave: Iniisip kasi kita.
Ako: Hahaha, Ulol! Mga banat mo! Upakan kita eh!
Dave: Seryoso kaya!
Ako: Hindi nga, anong sasabihin mo?
Dave: Ayun nga, bukod sa hindi ako makatulog dahil namimiss kita, gusto ko lang sanang tanungin kung may gagawin ka sa susunod na linggo?
Napatingin ako sa kalendaryo sa may pinto ng kwarto ko.
Sembreak na pala sa susunod na linggo! Hindi ko man lang napansin!
Ako: Ahh, sembreak diba? Uuwi ako samin.
Dave: Sa probinsya niyo?
Ako: Oo, alangan naman saan pa?
BINABASA MO ANG
College Life Love Story | B.L Story Philippines
RomanceJames is a regular student who just wants to finish his studies. When he met Yuan and Dave, his life took on new meaning. His life should have been all about studying, but that changed when he met Yuan and Dave, both of whom developed strong feeling...