College Life Love Story
Part 14
Author's note: Hi everyone! Eto na yung pangako kong update! After 7 yearssss!! Wahhhhh! I hope may sabik paring basahin ang kwento ko. Sorry kung ganito ka tagal yung update. Naging busy lang sa buhay.
I suggest na basahin nyo ulit ang buong kwento upang hindi kayo malito sa update na ito.
Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa may bintana ng kwarto. At nang tumingin ako sa palibot nito, katabi ko parin si Dave. Mahimbing na natutulog. Mga ilang minuto ko din syang pinag masdan na parang mala anghel na batang natutulog.
Inabot ko ang cellphone sa may uluhan ko, at tiningnan ang oras. 5:55am pa lang pala. Ang aga ko namang nagising. Ngunit hindi na ako natulog muli dahil na excite ako dahil ngayon na ang araw ng fiesta!
Gigisingin ko na dapat si Dave pero may biglang ingay na galing sa pinto. Si Manang. Kumakatok at ginigising na kami.
"Utoy, James, Gumising na kayo. Para makakain na at makapag handa dahil malapit na magsimula ang mga programa sa fiesta." Ani Manang.
Hindi sumagot si Dave. Himbing na himbing parin sa pagkakatulog.
Tatayo na sana ako upang buksan ang pinto at sabihin kay manang na gising na ako at ako na ang bahalang gumising kay Dave. Ngunit nagulat ako nang biglang hinawakan ni Dave ang braso ko dahilan upang hindi ako maka tayo.
Dave: Dito ka lang sa tabi ko.
At bigla nya akong hinatak palapit sa kanya upang yakapin ng sobrang higpit.
Hindi ako makakilos. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagulat ako dahil akala ko himbing na himbing pa sya pagkaka tulog.
Manang: "Gumising na kayo." Katok parin ng katok si manang. Dahilan upang makabalik ako sa sariling katinuan na kanina lang ay nalilito kung nanamnamin ang yakap ni Dave o magpupumiglas.
Ako: Bitawan mo nga ako. Si Manang kanina pa tayo tinatawag.
Dave: Hmmmm. Hayaan mo sya. Dito ka lang sa akin. *insert bedroom voice here*
Ako: Sira ulo ka! Bitawan mo na ako at nang mapuntahan ko si Manang at para matigil na sya sa kakasigaw sa labas.
Dave: Ako ang bahala kay manang.
Ako: Pa-
"Opo Manang, gising na po kami". Biglang sigaw ni Dave na sya namang ikinagulat ko.
Dave: Oh ayan, wala na si manang. Akin kana ngayon.
Ewan ko. Pero parang kinilig ako habang binabanggit ni Dave ang mga katagang yun.
"Akin ka na ngayon".
Nagkunwari parin ako na hindi nae-enjoy ang yakap nya.
Ako: Tumigil ka nga! Ngayon ang araw ng fiesta hindi ba? At ready kana ba sa kakantahin mo mamaya?
Mistulang robot na biglang tumayo si Dave ng kama na parang natataranta kung ano ang gagawin.
Dave: Oo nga pala. Sht! Ngayon na pala yun.
Tawa ako ng tawa dahil bigla syang nagising dahil sa sinabi ko. Yun lang pala ang katapat nya. Hahahahaha!
Ako: "Akala ko ba matutulog pa tayo? Halika dito. Matulog tayo!" Pang aasar ko.
Dave: Tumayo kana dyan at kumain na tayo para magawa na natin ang mga dapat gawin at makapunta na ng bayan!
Ako: Ah hindeeee. Walang tatayo. Walang kakain!
BINABASA MO ANG
College Life Love Story | B.L Story Philippines
RomanceJames is a regular student who just wants to finish his studies. When he met Yuan and Dave, his life took on new meaning. His life should have been all about studying, but that changed when he met Yuan and Dave, both of whom developed strong feeling...