College Life Love Story (Part 8)By: Babyboy
Natulala parin ako dahil sa halik ni Dave. Hindi ko alam kung ilang minuto akong hindi nakapag salita pagkatapos ng kanyang ginawa. Ang dami kong naiisip. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nandiri sa ginawa ko. Ewan ko, naguguluhan ako.
Napansin ni Dave na ang tagal kong hindi nakapagsalita dahil sa ginawa niya. Kaya nagsalita sya.
Dave: Oh, natulala ka na dyan. Ano, ayaw mo parin bang sabihin o hahalikan ulit kita?
Ako: Sira ulo ka! Bakit mo ginawa yun! (Pinagpapalo ko ang loko)
Dave: Aray, hahaha. Eh kasi ikaw. Akala mo hindi ko kayang gawin sayo yun. Kala mo ha.
Ako: Manyak! Nakakainis ka! Pinagpapalo ko parin siya.
Hindi ko namalayan na maingay na pala kami. At nagtitinginan na yung mga tao sa amin. Oo nga pala, nasa loob parin pala kami ng sinehan. Kaya bigla akong nahiya. tumahimik akong bigla at umayos ng pagkakaupo.
Ako: Humanda ka sakin mamaya sa labas. Hindi pa tayo tapos.
Dave: Haha, subukan mo, hahalikan kita ulit kapag sinaktan mo ako.
Ako: Susuntukin na talaga kita, manyak!
Tumawa lang ang loko. Hindi parin ako makapaniwala. Ginawa sa akin ni Dave yun? Grabe, hindi parin ako maka get over.
Hindi ko na pinahalata na iniisip ko parin yung mga nangyayari. Kunwari hindi ako apektado para hindi na mag-isip si Dave ng kung ano ano. Pinilit ko nalang mag focus sa pinapanood namin.
Grabe, gusting gusto ko pa naman tong movie na to pero wala akong naintindihan sa kwento. Dahil una, iniisip ko si Yuan. Pangawala, dahil sa paghalik sa akin ni Dave. Ahhhhhh, sasabog na ang isip ko. Papanoorin ko nalang ulit tong movie na to sa susunod.
Inakbayan nanaman ako ni Dave. At dahil sa akbay nyang iyon, mas lalong hindi na ako nakapag focus sa aming pinapanood. Hindi ko nalang pinansin yung pagkakaakbay niya. Dahil alam ko kapag pumalag pa ako, mas lalo lang hahaba yung usapan. Kilalang kilala ko na tong mokong na to.
Ilang sandal pa, natapos na rin an gaming pinapanood. Hayyyy salamat.
Dave: Grabe, ang ganda.
Ako: Ah, Oo nga eh. (Kahit hindi ko naman talaga naintindihan)
Dave: Sarap ulit ulitin. Tara, labas na tayo.
Ako: Tara.
Lumabas na kami ng sinehan. Ang dami pala talagang tao. Medyo nahirapan pa kaming lumabas kasi ang dami pang tao. Umupo muna kami saglit at hinintay na makalabas yung nakakarami.
Dave: Oh, saan mo gustong pumunta? Nagugutom ka nanaman ba?
Ako: Hindi, pwede balikan na natin yung phone ko?
Dave: Ay, oo pala. Sige, tara labas na tayo. Punta na tayo sa kotse.
Ako: Okay, thank you.
Nag-aalala na ako. Baka galit na si Yuan sa akin. Baka tumatawag na yun sa phone ko. Baka nag aalala na sakin yun.
Malapit na kami sa may exit ng mall nang makita namin na napakalakas ng ulan sa labas. Ahhh. Wrong timing namannn.
Dave: Ang lakas ng ulan. Pano yan? Mababasa tayo. Medyo malayo pa naman yung lugar kung saan ako ng park ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
College Life Love Story | B.L Story Philippines
RomanceJames is a regular student who just wants to finish his studies. When he met Yuan and Dave, his life took on new meaning. His life should have been all about studying, but that changed when he met Yuan and Dave, both of whom developed strong feeling...