Chapter 5: Crush

16 1 0
                                    

Chapter 5: Crush

Kasalukuyan kong pinapanood ang mga halaman na mabasa gamit ang hawak kong hose. Ilang segundo pa ay naisipan kong kuhanin ang aking wand mula sa robe ko.

What if gamitin ko kaya ang wand ko pandilig ng halaman?

Tumingin muna ako sa aking gilid. Nasa greenhouse ako ngayon kasama ang iilang mga kaibigan. Parehong pumipitas si Aj at Jayvi ng bulaklak habang pinipicturan sila ni Glacy. Sina Neville at Luna naman ay nag-uusap sa isang banda. Mukhang wala naman silang paki kung anong gagawin kong experiment dito.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka pinatay ang hose at itinapat ang aking wand sa halaman.

"Aguamenti," Sambit ko sabay hawi ng wand.

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumabas na tubig mula roon!

Nakakamangha naman itong lugar na ito. Akala ko nananaginip lang ako kahapon nung nagawa ko yung isang spell sa charms, e. Pero totoo pala talagang may mahika!

Sa ilang minuto na pagdidilig ay may napansin akong kulay pink na bulaklak sa bandang kanan ko. Agad ko namang binigkas ang 'Finite Incantatem' para tumigil na ang tubig sa pag-agos sa aking wand at dumiretso na ako roon.

Pinagmasdan ko iyon ng maigi at napagtantong matutulis pala ang dulo ng petals noon. Napakaganda at napakatingkad ng kulay ng mga bulaklak. Tinignan ko pa ang iba't-ibang bulaklak na naroon at napansing magkakapareho pala ang mga itsura nila ngunit magkakaiba ang mga kulay. May kulay yellow, red, white, purple at blue. Parang ganitong itsura yung mga ginagawa kong flowers gamit ang crepe paper sa current reality ko, kaso hindi ko matandaan ang pangalan.

Dali-dali ko naman tinawag sina Neville.

"Anong klaseng bulaklak pala ang mga ito?"

Sumulyap si Neville roon saka lumapit sa akin. Sumunod naman si Luna patungo sa direksyon namin.

"Ah, that's carnation. It's pretty, right?" Ani Neville.

"Indeed!"

"Hinanap pa iyan ni Neville sa Forbidden Forest.." Malumanay na paliwanag ni Luna.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Wait.. really?"

Tumango si Luna sa akin at si Neville naman ay namula na parang nahihiya pa. "Luna.. you don't need to say it," Bulong pa niya kay Luna.

"Hindi ba delikado 'yun?" Umiling si Luna.

"Nagpatulong kami kay Hagrid sa paghahanap. Kakaunti lang rin kasi ang mga bulaklak dito kaya ayos lang," Agap niya.

"Dapat nga ay susurpresahin ka ni Neville kaso ay nakita mo na agad." Agad siyang sinipat ni Neville kung kaya't lalo akong napangiti ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na mahilig ako sa mga malalagong bulaklak pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at niyakap siya.

"Thank you!" Napansin ko ang lalong pamumula ng kanyang pisngi. Ang cute!

Bumitaw na ako sa yakap nang lumapit na sa amin ang tatlo kong kaibigan. Si Aj ay nakatungo at nagsswipe pa sa kanyang phone, panigurado ay tinitignan kung maayos ba ang mga kuha nila kanina. Pansin ko rin ang mga hawak nina Glacy na palumpon ng bulaklak.

"Uuna na kami, madami pa kaming assignment, 'e. Kunin na namin ito, ha?" Nakangiting sambit ni Glacy at ipinakita sa amin ang mga bulaklak na nakuha nila.

"Ilalagay namin sa flower vase sa kwarto." Paliwanag niya.

Nakita ko namang bumaling sa akin ang tingin ni Jayvi.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now