Chapter 24: Confidential

13 0 0
                                    

Chapter 24: Confidential

"Next, Astrid!" Napalunok ako sa tawag sa akin ni Professor Lupin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumunta sa harapan.

"Think, Astrid.. you need to clear your mind, okay? You can do it." Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking wand habang nakatingin sa harapan. I closed my eyes as I imagined seeing Peeves or Bloody Baron as my boggart. They are kind of scary, though. Matagal ko nang pinag-iisipan ito noong nasa current reality pa ako. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nasa harapan.

Hindi ako nagulat sa biglaang paglabas ni Peeves o sa pagsimangot ni Bloody Baron sa akin dahil hindi sila ang bumulaga sa harapan ko.

It was Lorenzo sobbing in pain as he showed me his death mark tattooed on his left forearm.

I read a fan fiction of him once and I can recall this scene. It's just like how Draco got his dark mark from the Harry Potter film series but this time, it's him. Lorenzo.

Napahawak ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko inasahan na sobrang sakit pala makita iyon ngayong nasa harapan mo na. He looks so hurt and devastated. Rinig ko ang mga pagsinghap at bulong-bulungan ng aking mga kaklase at ang sigaw sa akin ni Professor Lupin na mag-cast na ako ng spell pero hindi ko magawa. Halos mangiyak-ngiyak ako habang pinagmamasdan ang boggart na luhaang si Lorenzo na bahagyang tumalikod dahil nahiya nang makita ang iba naming mga kaklase at ang aming propesor. Pinunasan niya rin ang kanyang luha.

Bigla akong niyakap ng totoong Lorenzo. "Sweetheart.. it's not going to happen, okay? I will surely not be one of them."

Diretso lamang ang tingin ko sa harapan habang inaalu-alo niya ako. Dahil sa kanyang pagharang sa aking harapan ay tuluyang nabago ang anyo ng boggart. It revealed my dr self holding hands with Draco at the astronomy tower together and seeing those eyes, it's like we're so in love with each other. Napatitig lamang ako roon kung kaya't tumingin roon si Lorenzo. Biglang ngumisi ang dalawa kay Lorenzo na parang inaasar siya. Nakita ko pa ang titig ng boggart na kamukha ko kay Lorenzo habang naghahalikan sila sa aming tapat.

Nalaglag ang aking panga roon maging ang iba kong mga kasama sa kwarto na iyon. Si Lorenzo naman ay biglang nagtagis ng bagang at ikinuyom ang kanyang kamao. Maya-maya pa ay tumingin akong muli sa harapan ngunit naglaho na ang boggart. Ikinulong na ni Professor Lupin ang bagay na iyon sa kanyang mahiwagang cabinet saka tumungo siya sa harap naming lahat.

Bumuntong-hininga siya saka nagtaas ng kilay sa amin. "Okay.. that's too much drama to take," Napatawa pa siya ng kaunti.

"T'was unexpected, really. We're gonna continue our class tomorrow. But for now, you need to proceed to your next class.." Lahat kami ay tahimik na papunta na sa pintuan nang nagsalitang muli si Professor Lupin.

"Except for Ms. Primrose and Mr. Berkshire." Napatigil tuloy kaming dalawa ni Lorenzo sa pag-alis.

"Mr. Sykes, can you please excuse them to Professor Vector.. simply tell that Professor Lupin has an important task and he needs the both of them for an accompany. Will you?" Ngumising-aso naman si Aj kay Professor Lupin at hinawi pa ang buhok.

"Certainly, Professor! Anything just for you!" Kumindat pa siya sa aming propesor saka bumaling samin.

"I got you both. Y'all are so lucky! I badly wanna skip the last class pa naman. You got this, lovebirds. Baboo!" Bulong sa amin ni Aj bago kumaway paalis sa classroom at sinara pa ang pintuan.

Kinagat ko ang labi ko ng mariin habang dahan-dahang tumingin sa aming harapan. Kita ko ang pagsulyap sa akin ni Lorenzo ngunit hindi ako makatingin sa kanya.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now