Chapter 23: Endearment

6 1 0
                                    

Chapter 23: Endearment

Nagtagal pa kami saglit sa Astronomy Tower. Hindi kami kumibo ni Lorenzo sa isa't-isa habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. He was hugging me from the back, trying to comfort me and stop me from crying.

"Sweetheart, I don't know what's going on. But you can always talk to me, okay?" Pinaharap niya ako sa kanya pero tumungo ako dahil nahihiya akong harapin siya. Hinalikan niyang muli ang aking noo.

"I wanna let you know that I'm always here for you.. and I'm always with you." Pinunasan niya ang aking pisngi gamit ang kanyang index finger saka ako niyakap.

"It's almost late. Let's go back?" Tumango ako.

Tahimik kaming tumulak palayo sa Astronomy Tower at nasa madilim na hallway na kami. May mga maliliit na lampara namang nakasabit sa bawat pasilyo kung kaya't hindi naman ganoong nakakatakot. Bigla kaming may narinig na kaluskos sa paligid kung kaya't lalo kong hinigpitan ang hawak ko kay Lorenzo habang tinatahak namin ang daan pabalik sa aming silid. Napatigil kami sa paglalakad nang may isang malakas na hangin ang dumaan sa aming likuran.

"Weee!" May narinig kaming boses kung kaya't agad kaming nagtago sa likod ng isang malaking cabinet.

"There's someone outta here!"

"Yoo-hoo, where are you?" Tila nakikipagbiruan pang giit noong misteryosong lalaki.

Tuluyng nawala ang antok ko.

Lorenzo was looking outside when I called him.

"What was that?" I whispered.

"Where are you hiding, little kiddos? You know I'm good at playing hide and seek."

The unknown man let out a creepy laugh.

I'm starting to get scared. Hinigit ko ang shirt ni Lorenzo at napatingin siya sa akin.

"What was that?" Bulong ko sa kanya.

"Peeves." Nanlaki ang mga mata ko.

My heart started to beat faster as Peeves started to count.

"One.." Lalo kong hinila si Lorenzo palapit sa akin para tuluyan siyang makapagtago. Namula ako nang bigla akong napasandal sa malamig na pader ng Hogwarts at naglapat ang aming katawan. Hinawakan niya naman agad ang baywang at sinuportahan niya ang ulo ko para hindi mauntog.

Nagulat kami sa malakas na tunog ng metal na gauntlet ng suit of armor na nasa aming gilid. Mukhang nasagi ko yata kanina. Napakagat tuloy ako ng labi.

"Peevsie tootsie heard that! Two..."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Enzo. He put his index finger on his lips instructing me to don't make any noise. Ilang segundo pa ay may dumaang hangin sa aming harapan.

"Three... BOO!" Napasigaw ako nang bumulagta sa aming harapan si Peeves na nakademonyong ngisi.

He was wearing an outlandish clothes including a bell-covered hat and an orange bow tie. He looks like a creepy clown from horror movies I've watched. He had black hair and compared to the Hogwarts ghosts, he was solid-looking, not pearly white and transparent.

Humarap roon si Lorenzo samantalang nagtago naman ako sa kanyang likuran. Nakita ko ang biglang pagtakip ni Peeves ng kanyang bibig at tuwang-tuwang lumipad sa ere habang kumakanta.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now