Chapter 42: Lumpiang Shanghai

11 0 0
                                    

Chapter 42: Lumpiang Shanghai

"What time is it? Antagal naman ni Aj," Reklamo ni Pansy.

Narito kaming lahat sa courtyard at lahat ng mga estudyante ay patungo na sa Hogsmeade. Ngayon weekend lang kasi talaga kami dapat bumisita sa Hogsmeade pero inilagay ko sa script ko na pede kami pumunta sa kahit saan at kahit anong oras kung kaya't hindi kami nasisita. Nauna na sa amin sina Glacy at Jayvi kung kaya't ang kasama ko lamang ngayon ay sina Enzo, Pansy at Blaise. Sina Draco naman ay hindi namin mahanap. Panigurado nauna na rin. Kaming apat naman ay naghihintay pa rin kina Aj at Theo.

"Thirty minutes after ten," Seryosong saad ni Lorenzo habang tinitignan ang kanyang orasan.

Umupo ako sa tabi ni Pansy sa gilid ng fountain habang ang dalawa naman ay nakatayo sa aming harapan at tinitignan ang hallway kung saan dadaan ang dalawa.

Niyakap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan rin ang hallway. Hindi pa rin sapat ang tatlong jacket at pantalon para sa ganitong klima. Ang lamig ay nanunuot pa rin sa buo kong katawan.

"Call time is ten o' clock. Sira ba ang orasan ni Aj?" Naiinip na saad ni Blaise.

"Should we wait for them? Or mauuna na tayo?" Tanong ni Pansy.

"Oh ayan na pala, 'e."

Agad na kaming napatayo ni Pansy nang marinig ang nakakairitang boses ni Aj.

"Sorry for the waiting, the Queen's here~" Pabaklang tumakbo si Aj papunta sa amin habang nakasunod sa kanya si Theo na nakabusangot ang mukha.

"What the hell took you a half fucking hour?" Nanggigigil na untag ni Blaise sa dalawa.

Agad naman humakbang si Theo patungo kay Blaise at Enzo.

"He's wasted from the ravenclaw's party last night, dude. Ginising ko pa," Lumingon kami kay Aj na pagewang-gewang pa habang papunta sa amin at hindi balansyado ang tayo.

Hinalikan niya pa ang pisngi namin isa-isa.

"Ano ba 'yang suot mo, Aj? Pupunta lang tayong Hogsmeade, hindi ka rarampa!" Kumento pa ni Pansy roon at tumawa lamang si Aj sa kanya.

All for us are on our usual winter clothes, while Aj wore an outrageous funky green outfit with a pair of chunky heels.

Partida nakablack sunglasses pa siya.

Maarteng siyang umikot saka humarap sa amin at nagpose.

"I love your outfit," Walang buhay na puri ko sa kanyang suot.

"Why pressed about it, hindi naman ikaw ang nagsusuot!" Malakas na giit niya kay Pansy saka bumaling sa akin habang nakangiti.

"Aww.. thank you, hon. Mwa," Inakbayan niya si Pansy saka nilagay ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang bibig na nakanguso. Umakto siya na parang binibigyan ako ng halik mula sa ere ngunit hindi ko na siya sinabayan sa kanyang trip. Imbis ay napailing na lamang ako habang nakahalukipkip at pinagmamasdan si Pansy na naiiritang pinapalayas si Aj na nakaakbay sa kanya.

"Why pressed about it, really? It took you almost an hour to get dressed for God's sake!"

"Hello? I'm already here so stop complaining. Peace, everyone. Let's go," Pinisil ni Aj ang ilong ni Pansy saka siya pinakawalan sa yakap at nauna nang maglakad sa amin.

Dumiretso naman sa akin si Pansy habang hawak ang kanyang ilong at naiiritang tinitignan si Aj na nasa aming harapan.

"Dapat pala iniwan nalang natin 'yan," Bulong niya sa akin at natawa naman ako roon.

"Y'all better stop whispering behind my back. I can hear you both!"






We're now here at the three broomsticks and it's already eleven so we decided to eat here for lunch. Maganda na iyon para hindi kami sabay sa dami ng tao mamaya. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Lorenzo sa tapat ng mahabang lamesa at kasama pa rin namin sina Pansy. Ang nadagdag lamang ay sina Glacy, Jayvi, at ibang mga gryffindor. They're all busy chatting with each other while we're all waiting for our food to be served. Lalong umingay ang aming lamesa nang dumiretso sa amin sina Ginny.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now