Chapter 41: Technique

6 1 0
                                    

Chapter 41: Technique

"You okay? You looked like it's your first time to experience snow," Sambit ni Lorenzo at humiga sa akong tabi at sinabayan ako sa paggawa ng snow angel habang nakatitig sa puting-puti na kalangitan.

"It is."

Napatingin siya sa akin.

"Really?" Tumango ako at lalo pang pinagaspas ang aking mga braso pataas hanggang pababa sa niyebe.

Sobrang lamig! Ahh omg!

"I'm from a tropical country so.."

"But you attended Beauxbatons before transferring here. There's a snow in Paris. How come you haven't experienced any snow at all?"

Oops.. Lagot!

Ramdam kong pinagmamasdan niya ako kung kaya't hindi ako tumingin sa kanya imbis ay nakatuon pa rin ang atensyon ko sa kalangitan.

"I.. I live in Southeast Asia then move to Paris for few months to study before I got here. I never experienced snow." I lied.

Lagi ko nalang nakakalimutan ang backstory ko!

"Where? What part of southeast asia?"

"Philippines." Kinagat ko ang labi ko saka ako tumingin sa kanyang direksyon. Mukhang wala lang naman iyon sa kanya.

"Hmm,"

Agad na siyang tumayo saka pinagpagan ang kanyang sarili habang nanonood lamang ako sa kanyang ginagawa. Ilang segundo pa ay dumiretso siya sa akin at nilahad ang kamay sa akin.

"Let's get up. We'll play snow so you'll gain some fresh new memories."

"Really?" Napangisi ako sa kanya habang siya ay nakataas ang kilay sa akin.

"Yup. You're playing snow with me. Grab my hand." Lalo niya pang nilapit ang kanyang kamay sa akin at agad ko naman iyon tinanggap saka niya ako tinulungan tumayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang madulas ako sa sahig at buti na lamang ay nakakapit ako ng maigi kay Lorenzo kung kaya't dumiretso ako sa kanyang dibdib.

"Got you," Bulong niya at bigla namang namula ang mga pisngi ko.

"No doubt, you're a quidditch seeker for a reason."

"Definitely. Catching the most precious thing is my forte.. and I'll never give it away to anyone." I bursted out a laugh.

"What?"

"Stop it. It's cringe!"

Agad ko siyang tinulak saka lumayo sa kanya. Ilang saglit pa ay tumakbo ako palayo at kumuha na ako ng maliliit na tipak ng niyebe na kaya kong sakupin sa aking palad.

"I'm serious!" Rinig kong sambit niya sa malayong distansya. Napangisi ako nang lumingon ako sa kanya at nagsimula na siyang tumakbo palapit sa akin habang hinuhulma ko nang pabilog ang niyebe na hawak-hawak ko.

Kita ko ang pagkalaglag ng kanyang panga ng makita kung anong gagawin ko.

"Oh, hell no." Saktong pagsalita niya ay binato ko na ang niyebe papunta sa kanyang direksyon.

Hindi niya iyon agad naasahan kung kaya't dumiretso ang snow sa kanyang mukha.

"Bull's eye!"

Natawa ako nang pinunasan niya ang kanyang mukha na punong-puno ng snow. I can't stop laughing while looking at his reaction. He looked at me like he's so done with me.

"I'm sorry, sweetheart!"

"And now suddenly you're calling me sweetheart, huh? Come here," He sounded so authoritative and strict. That's a warning signal.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now