Chapter 8: Tewky

12 1 0
                                    

Chapter 8: Tewky

Alas-dose na ng natapos ang aming mga kwentuhan. Tinanggal na rin namin ang aming mga face masks at nagpasiya nang matulog. Sina Enzo, Blaise at Aj ay sa sahig na natulog at may tig-iisang mga kutson. Nagreklamo pa si Aj na gusto niya raw tumabi sa amin pero hinila na siya roon nina Enzo.

Katabi ko naman sa aking kama ang apat kong mga kaibigan. Malaki naman ang espasyo ng aking kama kung kaya't kasya silang lahat. Ang aking mga kasama ay natutulog na pero ako ay nakamulat pa at gising pa rin ang diwa.

Dahan-dahan kong ipinagala ang kamay sa aking side table para kuhanin ang aking cellphone. Pinatay na kasi nila ang ilaw kung kaya't madilim na. Nang makapa ko na ang cellphone ay dali-dali ko iyon binuksan at nakita ang mga messages. It was all Enzo. Tinignan ko pa kung mayroon akong natanggap na mensahe mula kay Draco ngunit wala.

Binasa ko ang mensahe ni Enzo.

Lorenzo: I'm worried.
Lorenzo: Aj told me that u cried. Are you okay?
Lorenzo: Punta na kami diyan.

It was sent earlier. Hindi ko nabasa dahil busy ako sa pag-iisip kay Draco. Ang hinayupak na iyon! Bakit ba kasi ay siya pa ang naging crush ko?

Napansin kong online si Enzo at nagttype. Dahan-dahan akong sumulyap sa kanilang puwesto at nakita kong nailaw ang kanyang phone! He's still awake!

Bumalik muli ako sa puwesto ko at nahiga. Pagkatapos ng usapan namin kanina ay hindi na kami nag-usap pa. Nakinig na lamang kami sa mga usapan nina Pansy at hindi na kumibo sa isa't-isa.

Nakita ko ang isang notif mula sa aking phone.

Lorenzo sent you a message.

Dali-dali ko pa iyon pinindot at tinignan.

Lorenzo: U still up?

Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin. Lalo ko pang niyakap ang aking unan saka nagmulat at nagtipa ng sagot.

Me: Yup. Hindi ako makatulog.

Lorenzo was typing.

'Yan ang nabasa ko. Pinakiramdaman ko pa ang malakas na tibok ng aking puso.

Lorenzo: I wanna hug you right now. Only if I could sleep next to you.

Lalong tumindi ang kaba ko. Padarag kong hinawakan ang cellphone sa aking kama at itinago ang mukha sa unan. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako!

Narinig ko pa ang mahinang pagtunog ng aking cellphone at ang mahihinang hilik ni Aj sa baba. Napangisi tuloy ako.

Lorenzo: Are u now sleeping?

Nagtipa ako ng reply.

Me: Not yet but I'll try. You should, too.

Nakita ko ang agad niyang pagtitipa ng sagot.

Lorenzo: I will. Goodnight, Astrid ;)

Nagchat na rin ako ng 'goodnight' at ini-off na ang cellphone sabay lagay sa side table.

Tinakluban ko ang sarili ko sa aking kumot. Pinipigilan ko ang sarili na umirit. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko!

Is it possible to have two crushes at a time? Ugh! Hindi ko na alam!

May nararamdaman akong may umaayos ng aking buhok at hinahaplos ang aking pisngi pero hindi ko pa minumulat ang mga mata ko. Naaamoy ko rin ang halong musk at mint na pabango kung kaya't napangiti ako.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Good morning, sunshine." Enzo uttered huskily. Napawi ang aking ngiti at agad na umupo sa aking kama habang inaayos ang sarili.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now