Chapter 7: Confused

8 1 0
                                    

Chapter 7: Confused

Nasa pinakahuling klase na kami ngayon, ang History of Magic. Ang aming propesor ay si Professor Cuthbert Binns, o mas kilala sa tawag na Professor Binns. It was my first time to see him teaching and it made me creepy knowing that he's a ghost. I researched about him noong nasa cr ako and it was stated that he taught lessons until a very old age, when he fell asleep in the staff room and died in slumber.

Ang aking katabi na si Enzo ay natutulog na maging ang iba kong kaklase. Sobrang nakakaboring kase kung magturo si Professor Binns at wala siyang ibang ginawa kundi magbasa ng pagkahaba-habang notes.

Pinakahuling klase na namin ito ngayong araw pero ni-anino ni Draco ay hindi ko nakikita. Tanging sina Crabbe at Goyle lang ang nakakasama namin buong maghapon.

Kasama namin sa classroom na ito ang ibang hufflepuffs kaya't narito sina Glacy at Jayvi. Nasa tapat ko sila at katabi nila si Aj. Hindi na rin sila nakikinig sa aming guro at naglalaro na ng cod. Wala naman akong ibang ginagawa kundi magbasa ng libro about sa magic pero wala ako maintindihan dahil iba ang language at parang codes.

Tinapik ni Aj ang aking lamesa kung kaya't napatingin ako sa kanya. "Psst, selfie tayo!" Sabi niya at hinarap ang camera sa amin.

Nagulat ako ng biglang sinandal ni Enzo ang kanyang ulo sa akin nang nagclick na ang camera. Napatingin muli ako sa harapan at nakita ko ang ngisi ni Aj sa amin. "Ayos na!"

"Huy, teka lang! Enzo!" Ginising ko si Enzo pero naghihilik pa rin at ayaw imulat ang mga mata. Namula tuloy ako.

"Isa pa ba, Astrid?" Pagngisi muli ni Aj sa akin at hinarap muli ang camera. Sinulyapan ko ang dalawa kong kaibigan na sina Jayvi at Glacy pero hindi naman sila nakatingin sa amin dahil busy sa paglalaro.

Tumingin muli ako kay Enzo at saka tinampal ang kanyang hita dahil sobrang lapit na namin sa isa't-isa ngayon. Lalong lumaki ang mga mata ko nang nagising na si Enzo at tumama ang kanyang labi sa aking pisngi kasabay ng pagclick ng camera ni Aj.

Pinagpapawisan na ako ng malamig ngayon at lalong namula sa kahihiyan. Agad kong itinulak papalayo si Enzo na walang kaalam-alam sa nangyayari at medyo wala pa sa sarili dahil kakagising pa lang. Napaaray pa siya.

Tumingin ako sa harapan at nang nakita kong tumalikod si Professor Binns ay saka ko akmang kukuhanin ang cellphone ni Aj pero agad niyang iniwas iyon.

"Aj, akin na!" Bulong ko at hinila ang kanyang roba para makuha ang cellphone.

"No, bestie!" Sabi niya at pinandilatan ako. Hmp!

Nakita ko ang pag-iinat ni Enzo ng kanyang braso bago sumulyap sa amin. "Bakit mo ko tinulak? Ano nangyari?" Tanong niya sakin at tumingin kay Aj.

"Tignan mo, Enzo. Nakuha ko kanina!" May gana pa talagang ipakita ni Aj ang picture namin ni Enzo na parang nakahalik siya sa aking pisngi!

Agad naman kinuha ni Enzo ang kanyang cellphone at ngumisi sabay sulyap sa akin. "Pakisend sa akin mamaya," sabi niya at ibinalik na kay Aj ang cellphone. Hindi na lumingon pang muli si Aj sa amin at diretso na muli ang tingin sa harapan habang pumipindot sa kanyang cellphone.

Wala akong ibang nagawa kundi ang padarag na maupo. "Aanhin mo naman ang picture, Enzo?" Asik ko.

Inayos niya pa ang kanyang magulong buhok saka kinagat ang labi. "Hmm, gawin kong wallpaper?" Pang-aasar niya. Namula akong muli at umiwas na ng tingin sa kanya.

"Enzo!" Galit ko siyang tinawag.

"Hmm?"

"Wag mong subukan!" Pagbabanta ko.

Are You With Me? -Lorenzo B. [Taglish Version]Where stories live. Discover now