Chapter 27

520 17 5
                                    

Franz and I are helping my brother in preparing his wedding. Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Franz, nagiging malapit na rin si Kuya Miko sa kaniya. Ramdam ko ring pinagkakatiwalaan na siya ni Kuya pagdating sa akin. Kahit si Mommy ay unti-unti na ring gumagaan ang loob kay Franz.

"You look good!" Puri ko kay Shen. Ako ang sumama sa kaniya sa paghahanap at pagsusukat ng gowns.

Tumabi ako sa kaniya habang nakaharap kami sa isang full sized body mirror. Suot ko ang kulay puting fitted tube dress na may slit sa hita dahil ako ang kanilang maid of honor.

She looked so amazed habang suot niya ang kaniyang wedding gown. Bumuntong hininga siya at humawak sa dibdib.

"Finally," she said.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. I've seen her struggles and how she loved my brother despite all of the problems that were given in their relationship. And instead of leaving my brother during those kind of times, she loved my brother even more.

Pagkatapos namin magsukat, sakto namang dumating si Kuya Miko kasama si Franz na ngayo'y magsusukat ng kanilang mga damit. Hindi ko alam pero ayaw ni Kuya Miko na makita si Shen na suot ang kaniyang wedding gown. I think he wants to see it for the first time during their wedding na.

"Did you eat?" Franz asked me habang kausap pa ni Shen si Kuya Miko.

"We'll take our lunch sa mall na lang. Kayo ba?" Tanong ko.

Busy ako sa pagtulong sa kasal ni Shen kaya ito ang unang pagkikita namin ngayong araw matapos naming umalis sa penthouse. Simula noong tumulong ako sa kasal nila Shen, ganito ang scenario namin araw-araw. Busy din si Franz dahil sa problemang nangyari sa vacation house yata na pag mamay-ari ng mga Gutierrez. Hindi man kami palaging magkasama pero we always start and end our day together.

"Susunod din kami sa inyo, hindi naman matagal ang pagsusukat ko." Si Kuya na ang sumagot sa tanong ko.

Tumango ako at hinalikan si Franz bago kami umalis. Habang nasa mall, walang ibang binili si Shen maliban sa mga bagay na kailangan ni Elysia.

"Anong pakiramdam magkaroon ng anak, Shen?" I asked her.

Kalalabas lang namin sa cosmetics section. Ako ang bumili ng make-ups niya dahil wala talaga siyang planong bumili para sa sarili niya.

"It's hard pero kapag nakikita mo yung anak mo, automatic na nawawala lahat ng pagod at paghihirap mo e." She said.

Tumango ako. Ramdam kong hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya. I love kids. Kung sa pag-aalaga pa lang ng mga bata na hindi galing sa akin ay masarap na sa pakiramdam, napapaisip ako kung ano pa kaya kung sariling anak ko na ang inaalagaan ko.

We had lunch together at mabilis naman na sumunod sa amin sila Kuya. Habang pauwi, Franz informed me about sa isang bahay-ampunan na kailangan naming puntahan.

Hindi ko rin sinabi sa kaniya ang kagustuhan kong magka-anak. Maybe, I'll say that kapag kasal na kami.

"Did you bring your umbrella?" Tanong niya sa akin.

Paalis na kami at pupunta na sa bahay-ampunan. Napansin niya siguro sa malaking glasswall ng kwarto ko na medyo makulimlim. Naisip ko na rin na baka umulan kaya nagdala ako ng payong.

Hinintay ko siya sa sala habang inaasikaso niya ang maiiwan naming gamit. Ganito siya sa tuwing aalis kami, he always make sure that our appliances are unplugged at hindi magiging dahilan ng sunog.

Sabay kaming lumabas. Nauna akong maglakad papalapit sa elevator para magsalamin. Sumunod siya sa akin habang nakatitig sa repleksyon ko.

"Ganda naman," puri niya. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon