Chapter 24

551 17 0
                                        

Gulat pa rin siyang nakatitig sa akin at sa singsing na hawak ko. Hindi makapaniwala na ako mismo ang nag-aaya sa kaniyang magpakasal.

"What?" Halos pabulong niyang tanong.

Kinuha niya ang singsing sa kamay ko habang gulat pa rin. Tinitigan niya iyon.

"Wear it!" Excited kong sabi.

Ibinigay niya sa akin ang singsing. Ako ang nag suot ng singsing sa kamay niya. Nagmukhang mamahalin ng sobra ang singsing sa daliri ni Franz. Habang tumatagal ang titig ko sa singsing na nasa kamay niya hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I love you so much," I said while sobbing.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko siya kamahal. I want him to be my present and future.. kahit sa susunod na buhay, gusto siya lang.

"Oh God, I love you." He said before hugging me.

Niyakap namin ang isa't-isa. Pumikit ako habang dinadama ang pagmamahalan naming dalawa. I can feel his love lalo na kapag yakap niya ako. Mas lalo akong naiyak at niyakap siya ng mahigpit.

Pagkatapos kong umiyak, sabay naming pinagmasdan ang singsing sa kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam na alam kong sa akin siya habang buhay at ang pruweba ay suot niya.

"Hindi mo ako binibigong surpresahin sa mga ganitong bagay Jaja,"

Nilingon ko si Franz na malambing ang mata na nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Paano kita papakawalan kung walang kayang pumantay sa pagmamahal na binibigay mo sa akin?" Tanong niya.

Tumawa ako. "Dahil walang magpapalaya Bub. Tayo hanggang dulo."

Muli kaming natahimik at pinakiramdaman ang isa't-isa. Sa sobrang pagod ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako na naramdaman kong umuga ang kama dahil may umupo.

Bumangon ako at nakita ko si Franz na nakatingin sa akin. Suot na niya ang damit ni Kuya Miko.

"Pack your things," he said.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at hindi pa naiintindihan ang kaniyang sinabi dahil medyo antok pa ako. He kissed my forehead at tumayo. Kinuha niya ang mga make-up at mga skin care ko. Inilagay niya iyon sa bag na lagi kong nakikita sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang inuunat ang aking mga braso.

"I told your parents that you're going to live with me again."

Mabilis akong lumingon sa kaniya nang sabihin niya iyon.

"What?" Gulat kong tanong. Lumapit pa ako sa harapan niya para tingnan kung nagbibiro ba siya.

"Akala mo ikaw lang ang marunong sumorpresa Jaja?" He smirked.

Umirap ako at pabiro siyang sinuntok sa braso. Kinuha ko ang maleta ko at nilagay ang iba ko pang damit doon.

"Paano mo napapayag si Daddy?" I asked him.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya naisip kong may pinag-usapan silang hindi ko pwedeng malaman. Nirerespeto ko naman iyon. Mabilis kaming natapos sa pag-iimpake. May tinira pa akong gamit para kapag naisipan kong umuwi dito ay may magagamit pa rin ako.

Naunang lumabas si Franz haban dala ang mga gamit ko. Ako nama'y nanatiling nakatingin sa kwarto kong iiwan ko na. Ang kwarto ko simula pagkabata. Nagulat man ako sa biglaang pagsabi sa akin ni Franz na sa kaniya na ako titira, alam ko sa sarili kong handa akong tumira kasama siya.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon