Dates and movie night with Franz while preparing our wedding is one of our routine now. Hindi kami pumapayag na hindi kami magkaka-usap ng masinsinan sa isang araw. Palagi kaming may topic, kung hindi tungkol sa kasal namin ang pinag-uusapan namin ay ang nakaraan kung gaano kabilis ang panahon. Parang kahapon lang noong pinakita sa akin ng mga kaibigan ko ang mga litrato niya. Noon, I'm not ready to fall in love since I want to find a man like Dad. I'm scared na baka masaktan ako. Pero hindi ko pinagsisihan na I took a risk for Franz.
"Kailangan ba talaga na kasama ka? I can do it alone," palinawag ko kay Franz na sasama sa akin kahit marami siyang meetings ngayon.
"Wala akong gagawin sa oras na napag-usapan niyo kaya sasama ako."
"Alright, but if you're tired na wag ka nang pumunta. Don't drive when you're tired."
Tumango siya sa sinabi ko bago humalik sa noo ko. Nauna akong lumabas ng sasakyan. Pinagpatuloy ko na ang trabaho ko dahil tapos na kami sa paghahanda ng kasal. It took us 3 months for preparing the invitations, venue, dresses and more. Hindi naman namin minadali dahil ang nai-set naming wedding day ay pagkatapos pa ng tatlong buwan. We want to get married before our sixth anniversary para we can celebrate our anniversary as a married couple.
Ngayon, ang hindi pa namin naasikaso ay ang cake at ang interview sa magazine na paulit-ulit nababago ang schedule dahil busy rin si Franz. The magazine company is really patient to wait for us. They say that they're desperate to publish and feature us on their magazine since Franz is one of the hottest bachelor of the country.
The presentation that I presented impressed the board and now I'm focusing on it. Matagal ko na ito inaasikaso. Hindi na rin ako binigyan ng iba pang trabaho bukod dito. Gustuhin ko man but my office mates and the head of my department told me na ikakasal ako sa may-ari ng kumpaniya and they want me to chill and relax.
Mabilis naman na nagtanghali kaya pumunta na ako sa banyo para mag-ayos. Paglabas ko at pabalik na sa pwesto ko, nakita ko si Franz na naka-upo sa swivel chair ko at nakapikit.
"Reschedule na lang kaya uli natin yung interview? Tapos sa pagtikim ng sample cakes ako na lang ang pupunta."
Dumilat siya nang marinig niya ako. Umayos siya ng upo bago umiling. "I want to go with you."
"Shut up. Mukha ka nang walang energy." Lumapit ako sa bag ko at binigay sa kaniya ang chocolate na nandoon. "Chocolates? Pampagana raw ang matatamis."
"I prefer your kisses rather than that." Ngumisi siya kaya napairap ako at naglakad na papunta sa elevator.
"Wala namang pinagkaiba, matamis naman pareho," dagdag niya habang sumusunod sa akin.
Other employees are looking and watching us like how they watch a teleserye in televesion. Subaybay na subaybay, bawat galaw namin ay inaabangan. Some of them are smiling at us, some are envious but the boys are silently teasing their boss. Nakangisi si Franz hanggang sa nakasakay kami ng elevator. Gaya sa labas, ang mga empleyado ay tahimik at inaabangan kung ano ang sasabihin namin. I remained quiet pero sa tuwing nagtatama ang tingin namin ni Franz mula sa repleksyon sa pinto ng elevator, napapa-irap ako sa laki ng ngiti niya.
Nauna akong lumabas sa elevator but I stopped. Bumalik ako at sinalubong si Franz na mukhang namamangha sa akin. Tumingkayad ako at mabilis siyang dinampian ng halik. I heard grasps and whistles mula sa mga taong nakakita sa ginawa ko. Ang lalaking nasa harap ko naman ay mukhang nagulat pero mabilis na nakabawi.
Lumapit ako sa kaniya at ramdam kong nanigas siya ng kaunti sa ginawa ko. Ang mga empleyado ay nakikinood na dahil sa loob ng ilang taon naming magkarelasyon, hindi kami nagiging sweet dito sa opisina. Paglapit ko kay Franz, agad kong hinawakan ang kamay niya na humahawak sa susi ng sasakyan niya. Hindi naman mahigpit ang hawak niya sa susi kaya mabilis kong nakuha iyon.
BINABASA MO ANG
Unselfish Love (GS #2)
Fiksi RemajaGUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only dreamed for one thing, what will happen if he met Naorzhia Frinz Navarro?