Inalalayan ko si Franz para tumayo nang tumahan siya. Hindi siya makatingin sa mata ko. Hindi rin ako nagtanong kung anong problema, alam kong sasabihin niya rin sa akin iyon.
Dinalhan ko siya ng damit sa loob ng cr at iniwan siya roon para magbihis. Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumalik ako sa kwarto niya. Habang inaayos ang kama niya lumabas siya sa banyo nang nakadamit pero tumutulo ang tubig mula sa buhok niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa kama para paupuin. Gamit ang tuwalya, tinuyo ko ang buhok niya. Ramdam ko ang lalim ng titig niya sa akin.
Narinig ko ang pasimple niyang pagsinghot at pagpunas ng luha. Hindi ko siya tiningnan, masakit sa akin na makitang ganito siya. He's facing his mental breakdown right now and I don't want to suffer with him. Hindi dapat ako maging mahina ngayon dahil ako ang masasandalan niya.
Tinabihan ko siya sa kama. I combed his hair habang nasa leeg ko ang mukha niya. This is the first time that I will sleep sa kama niya nang magkasama kami. Ramdam kong nakatulog siya habang hinahaplos ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung ano ang dahilan kung bakit nagkaganito si Franz.
Napa-isip din ako, our society should be more open about mental health. It's not easy to deal with. Hindi ito pagpapapansin. Unstable mental health is really dangerous. Natatakot ako na kahit kasama ko si Franz at dinadamayan ko siya, ma-iisip niya pa rin na he's alone.
Ramdam kong bumibilis ang paghinga niya kaya napabangon ako. He's having a dream right now. I started humming his favorite song that made him calm. Pinagpatuloy ko lang ang paghaplos sa buhok niya. Hindi ako nakatulog kakabantay sa kaniya. Nakaramdam lang ako ng antok nang mag alas kwatro na ng madaling araw. Pumikit ako at niyakap ang katabi kong si Franz.
Nagising ako nang wala siya sa tabi ko kaya mabilis akong bumangon. Sinilip ko ang banyo at agad na lumabas nang makitang wala siya roon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya sa kusina. Pinapakain niya si Cookies habang nagluluto. Lumapit ako sa kaniya para tulungan siya. He smiled when he saw me standing behind him.
"Good morning!" He kissed my forehead.
"Morning, ako na diyan.."
Umiling siya sa sinabi ko. Dinala niya ako sa island counter at pina-upo sa isang high chair.
"No. Rest for a bit kaya ko na 'to." Bumalik siya sa pagluluto.
Nanatili akong nakatitig sa likod niya habang nagluluto siya. I'm afraid that he's wearing a mask again and behind those smiles, he is suffering. I want him to feel my presence kaya bumaba ako sa upuan at nilapitan siya. I hugged him from the back.
Nanatili kami nasa ganoong posisyon nang ilang minuto. Sabay kaming kumain. I didn't asked about what happened last night. I respect his boundaries.
"I'll drive you to the hospital. I heard, Tito and Miko are now awake."
Tumango ako sa sinabi niya. Nilagyan ko ng tubig ang baso niyang walang laman. Bago kumuha ng ulam para dagdagan ang pagkain na nasa plato ko.
"Papasok ka ba sa opisina?" Tanong ko. I'm worried about him pero kung papasok siya ay hindi ko naman siya pipigilan.
"Do you want me to?"
Umiling ako at sinimulan nang kumain. "Let's rest muna. Both of us were exhausted this past few days."
"Alright, after natin sa hospital we can go back here to rest."
Pagkatapos namin kumain, naghanda na kami para sa pagpunta sa ospital. Hindi ko maiwasang hindi mapa-isip at mag-aalala sa kaniya habang naliligo. Palihim ko rin siyang binabantayan habang naglalakad kami papuntang parking lot. Ibang-iba ang Franz na kasama ko ngayon sa Franz na naabutan ko sa banyo kagabi that made me worry even more. Kung may mga breakdowns man siya dati, hindi ganito kalala kaya alam kong tungkol sa personal at mahalagang bagay ang dahilan ng breakdowns niya.

BINABASA MO ANG
Unselfish Love (GS #2)
Ficção AdolescenteGUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only dreamed for one thing, what will happen if he met Naorzhia Frinz Navarro?