Chapter 15

589 22 0
                                    

Naorzhia:
We found her.

I texted Franz. Nilipat ko ang masamang tingin ko kay Elaisa. She disappeared for two days! Lumapit si Raelyn para kutusan siya habang kami ni Ella ay natatawa sa dalawa.

"Duh, overnight?" Natatawa niyang tanong.

Napahilot ako sa noo ko. Ian is watching Raelyn from afar since hindi pa namin siya masyadong close.

"What the? Overnight, Elaisa? For two days and hindi ka man lang nag-message sa parents mo?"

Inabutan ko siya ng tubig. Nasa parking lot kami ng isang sikat na condo. Ang alam ko halos mga artista ang nandito. Kaya may ideya ako kung bakit nandito si Elaisa. Nakita kong dumating ang sasakyan ni Franz. Bumaba siya ng kotse at kinausap ang kanina pa walang imik na si Ian.

"Tigilan niyo na," saway ko. "Obviously, she's dating a celebrity or someone na nasa showbiz. Let's respect their privacy."

Nag thumbs up pa sa akin si Elaisa. "But he wants to meet you guys so let's go upstairs."

Ang kaninang iritado na si Raelyn ay naging interesado sa sinabi ni Elaisa. Kahit ako naman ay interesado rin akong makilala kung sino ang nobyo niya. Nilingon ko si Franz na nakapanghimulsa. Sabay kaming lumapit ni Raelyn sa mga lalaking naghihintay sa amin.

Umangat ang tingin niya sa akin at sinalubong ako ng matamis na ngiti. May kinuha siya sa bulsa niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kaniya. Walang imik siyang pumunta sa likod ko para itali ang buhok ko. Pinunasan niya ang leeg kong namawis dahil sa mahaba kong buhok. Wala sa sarili akong napahawak sa buhok ko. Hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali niya pero hindi rin maluwag.

"Hindi ko nakitang dala mo ang panali mo ngayon. Palagi 'yang nasa bulsa ko incase na kailangan mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Marahan niya akong hinawakan sa braso para sumunod sa mga kasama naming nasa harap na ng elevator.

Naunang pumasok si Elaisa at napangisi nang makita ang nasa tabi ko.

"Parang may naamoy ako shet!"

Sinaway siya ni Ella dahil sa ingay niya. Tumigil nga siya pero nanatiling nakangisi sa amin. Narinig ko pa ang pabiro niyang pagtikhim.

Tahimik naman na nag t-type ng message si Franz kaya hindi ko na muna siya kinausap habang pababa ng elevator. Naunang naglakad si Elaisa.

"Ella may gwapong kapit-bahay ang boyfriend ko,"

Mabilis na sumunod si Ella kay Elaisa para siguro tanungin ang ibang detalye. Nilingon ko sila Raelyn na mukhang walang paki-alam sa amin. Ngumiti ako nang makita ko kung gaano kasaya si Raelyn sa piling ni Ian. I guess sometimes, giving a chance and taking risks is not bad at all.

"They look happy,"

"I wonder if mararanasan ko 'yan." Tumingin ako kay Franz.

"Ang alin?" Tanong niya bago niya nilagay ang kamay niya sa bewang ko.

"Being happy while inlove,"

"Just trust me and trust His perfect timing.."

Pumasok kami sa isang malaking condo. Napangiwi ako nang salubungin ni Elaisa ng halik ang nobyo sa pintuan pa lang.

Nilibot ko ang tingin ko sa condo niya bago umupo sa sofa. Hindi na rin ako nagtaka na kilala si Franz ng nobyo ni Elaisa. Hindi rin nagkaroon ng maayos na pagpapakilala. Basta pagpasok namin, dumiretso ang mga lalaki sa kusina para magluto ng kakainin.

"He has a huge fan base. Kaya 'di nakakapagtaka kung gusto niyang isikreto muna," sambit ko.

Tumango si Elaisa. "He was afraid na baka raw mabash ako or tratuhin ng hindi maganda ng fans niya. Kaya kahit gusto niya akong ipagmalaki, hindi niya magawa."

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon