Chapter 22

549 16 0
                                        

Shen convinced my Kuya to go back here in Manila after a week nang puntahan namin sila. Nang gabing malaman ni Mommy na nasa condo na sila ni Kuya, we immediately went to his condo. Ang gabing iyon ang pinaka emosyonal na gabi na nangyari sa aming pamilya. Even Chanel cried after she saw Kuya Miko. Mommy and Daddy welcomed Shen as their daughter in law.

"Are you planning to get married?" I asked Shen.

Nandito ako nakatambay sa condo nilang dalawa ni Kuya. Hindi ko alam pero naeexcite talaga ako ngayong magkakaanak na siya. Natutuwa akong maisip na mangyayari sa akin iyon sa hinaharap. Kahit si Franz ay natutuwa sa reaksyon ko sa tuwing napaguusapan namin ang pagbubuntis ni Shen.

"He wants to marry me right after he knew that I was pregnant but I rejected your brother,"

Tumawa ako. Siya lang talaga ang may kayang magreject sa Kuya ko. I can't believe it! Natawa rin siya sa reaksyon ko.

"Ayoko rin kasing magpakasal. Don't get me wrong ha, pero ayoko talaga hangga't hindi natutupad ni Miko ang pangarap niya. Gusto ko kasing ikasal sa Miko na buo, at hindi kulang dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na gusto niya,"

Tumango ako. Hanga rin ako sa pag-ibig ni Shen kay Kuya. Maraming pwedeng dumating na problema sa kanila lalo na't nabuntis siya nang hindi kasal kay Kuya pero mas pinili niyang maging matatag para maging masaya ang Kuya ko.

Dahil itinuloy na ni Kuya ang gusto niya at may balak na tumakbo sa darating na eleksyon, ako na muna ang umalalay kay Shen. Sa bawat araw na nakakasama ko si Shen, nakikita ko ang paghihirap na dinadanas niya. Morning sickness, gravings and all. Pero ang hindi ko makakalimutan ay kung paano lumiwanag ang mga mata niya sa tuwing umuuwi na si Kuya Miko. Dumating sa punto na gusto kong maranasan ang ganong buhay.

Papalapit na ang eleksyon kaya mas naging busy kami dahil sa pag tulong ko sa pag-aayos ng mga bagay para sa pangangampanya ni Kuya. At bawat araw hindi pumapalya na may nagpapadala ng death threats para matakot si Kuya Miko. Lahat ng laman ng death threats ay tungkol kay Shen, sa akin, kay Chanel at sa parents namin. Agad kaming pinatawag ni Daddy para sa meeting, sinigurado niyang safe kaming lahat lalo na si Shen na isa sa mga puntirya nila.

Sabay kaming pumasok sa meeting room ni Franz. Agad na yumuko ang mga tauhan ni Franz na ipinadala niya para bantayan ako lalo na kapag kailangan niyang lumabas ng bansa para sa business meetings. Inayos niya ang upuan ko bago ako inalalayan umupo. Mabilis naman siyang tumabi sa akin. Hindi kami late dahil wala pa si Shen.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Franz dahil dumiretso siya sa office para sunduin ako at galing pa siyang airport.

Nang umiling siya ay agad akong tumayo para kuhanan siya ng sandwich na nakahanda sa mesa na medyo malayo sa amin. Dapat mamaya pa ito habang nag-uusap pero baka malipasan ng gutom si Franz kapag hinayaan ko. Inilapag ko ang pagkain, kumain siya habang hinihintay namin si Shen na ngayo'y halos mag-iisang oras nang late.

Pinagalaw na ni Daddy ang mga tauhan niya kasama ang kay Franz para alamin kung nasaan na si Shen. Si Kuya Miko ay pinapakalma ni Mommy.

Napalingon kami nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang buntis na si Shen. Tumayo si Kuya Miko para salubungin ang nobya.

"Nag-crave sa cake na gawa sa ice cream kaya nagpagawa muna ako sa isang store. Mahaba ang pila kaya natagalan, sorry po."

"Let's start the meeting. Miko calm down, hindi talaga napipigilan kapag buntis ang naghahanap ng pagkain." Mom said.

Umupo silang lahat sa table. Hindi ko maialis ang tingin ko kay Franz. Ramdam kong pagod siya mula sa biyahe pero ang attentive niya pa rin lalo na sa mga sinasabi ni Daddy. Hawak niya ang kamay ko at hinahaplos habang sinisimulan ni Daddy magplano.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon