Chapter 7

716 21 1
                                        

"Lance, ibalik mo yan." Napangisi ako.

Labag sa loob na binalik ni Lance ang dalawang chips pagkatapos pagsabihan ni Franz. We're in a grocery store to buy goods dahil may excess money pa mula sa donations. At syempre, kailangan namin bilhin iyon para maipamigay pa sa mga hindi nabigyan. May nag sponsor naman sa iba pang product na pang personal hygiene at pagkain. Gusto lang talaga naming ibili yung pera na kami mismo ang bumili. Hindi taga balot lang.

"Paolo ano ba? Ibalik mo yan,"

Nilingon ko sila Aubrey na nasa likod namin. May hawak siyang basket. Siguro'y namimili siya para sa kaniyang sarili.

"Sige na! Ilagay mo na! Isang Nova lang naman ito!" Pamimilit ni Paolo.

"Akin na nga! Ingay mo!" Padabog na nilagay ni Aubrey ang Nova sa basket.

Dahil sa ginawa ni Aubrey, sumugod ang iba pang mga batang Gutierrez kay Aubrey. Medyo nakalayo na sila Franz, Klint at Joseff na busy sa pagpili ng iba pa naming bibilhin. Nanatili ako sa pwesto ko dahil iniintay ko pa si Aubrey para samahan akong bumili ng feminine wash, ipapasabay ko na lang siguro sa pinamili niya.

"Aubrey ako rin, eto lang oh mura!" Pangungulit ni Zaff.

"Aubrey, eto akin." Napanganga si Lance, Wayne at Zaff nang mabilis na kinuha ni Aubrey ang gustong pagkain ni Paul.

"Gutierrez din ang apelyido ko Aubrey! Tandaan mo ako! Lance Toff Gutierrez! Gutierrez!"

"Aubrey minsan lang ako mamerwisyo sige na lagot na naman kami sa oldies pag naabutan kaming nasa gantong sitwasyon," dagdag ni Wayne.

"Wala akong perang pambili..gusto ko lang namang kumain ng.." Tinitigan niya ang hawak niya. "...mik-mik,"

Umirap si Aubrey bago nilagay lahat ng gusto nila sa basket. Padabog niyang nilapag ang basket at namewang sa harap ng mga Gutierrez.

"Kayo magbitbit hala sige! Puro inyo na ang laman ng basket ko!" Kanya-kanyang turuan ang mga lalaking kausap niya.

"Pinakamahal ang iyo Wayne, ikaw magbuhat."

"Gago anong ako! Isa lang akin! Si Paolo pagbuhatin niyo."

"Bahala nga kayo dyan!" Naiiritang nagpadyak ng paa papalayo si Aubrey. Sumunod ako sa kaniya dahil nakita kong naiiyak na siya sa inis. Narinig ko pang nag-aaway ang mga lalaki sa likod.

"Sabi sayo buhatin mo e,"

"Tanga mo, Paolo."

"Nagalit tuloy," malungkot na sabi ni Lance.

Sumama ako kay Aubrey hanggang sa makarating kami sa cashier. Natanaw ako sila Joseff na nakapila. Habang papalapit kami kita ko ang pagtipa ni Franz sa phone niya bago nilagay sa kanyang tainga kasabay noon ang pag vibrate ng phone ko na hawak ko. Hindi ko na sinagot dahil nakalapit na rin naman kami.

"Saan kayo galing?" Sinalubong ako ng tanong ni Franz.

Itinaas ko ang bagong basket na kinuha namin kanina. Sumuko ang braso ko na siyang ginamit ko pang taas ng basket dahil sa bigat. Muntik ko nang maibagsak iyon, buti na lang mabilis na inalalayan ni Franz ang basket. Kinuha niya iyon at inuna sa pila.

"Kuya ako ang magbabayad doon ha." Kinalabit ni Aubrey si Franz.

Tumango si Franz bago nilagay ang phone sa tainga. Ako naman tumulong sa pag aalis ng goods para maayos ng cashier. Dumating ang iba pang Gutierrez kaya umingay sa pwesto namin. Napapatingin ang ibang nakapila dahil sa mga kasama kong lalaki. Kahit saan naman kasi ay nililingon ang mga iyan.

"Aubrey yung akin ha!" Sunod-sunod nilang sabi.

"Sige na, libre mo ha?" Dagdag ni Paolo na sinang ayunan ng iba.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon