Chapter 10

678 29 3
                                        

I drove faster when my phone rang again. Nakasunod sa akin ang kotse nila Ella at Elaisa. Kani-kanina lang while I'm ready to sleep, tumawag sa akin si Raelyn. She's crying and I don't know where to find her kaya nataranta ako at tinawagan ko na rin ang iba naming kaibigan. Elaisa located her phone sa isang bar kaya nagmadali na kaming pumunta rito.

Tumunog uli ang phone ko nang mahinto kami saglit sa stoplight. My phone is connected sa speaker ng kotse kaya nang magmaneho ako ay naririnig ko pa rin ang usapan nila.

"Nag ring na?" I asked bago lumiko.

"Ayaw mag ring,"

Binagalan ko ang takbo at hinayaan ko si Elaisa na mag over-take sa akin. Sumunod kami sa kaniya dahil siya ang nakakaalam ng pupuntahan namin. We parked our cara katabi ng mga mamahaling kotse na nandito.

"Maghiwa-hiwalay na tayo para mabilis mahanap, phone call if nakita niyo na si Raelyn," sambit ko.

Mabilis kaming naghiwalay para mahanap si Raelyn. Nagsimula akong maghanap sa mga tables pero wala siya. Pinasok ko na rin ang banyo at inintay na mabuksan ang cubicles bago umalis. Napadaan ako sa madilim na parte ng island bar when I saw her sitting silently while drinking. Tumawag ako sa gc para sabihin kung nasaan ako bago ko siya nilapitan.

"Hey," I stopped her hand from drinking.

Hindi naman siya nagreklamo pa at hinayaan akong kuhanin ang shot glass. I starred at her. She looks miserable. And when I looked at her eyes... it's lifeless.

"It hurts," she whispered.

Dumating si Elaisa. Hinagod niya ang likod ni Raelyn habang nakatingin sa kaibigan namin. Sumunod si Ella, inalalayan namin si Raelyn papunta sa isang table.

Maingay ang paligid pero walang umiimik sa table namin. Naghihintay kami sa sasabihin ni Raelyn and when she cried, hindi ko na napigilan ang sarili kong malungkot.

"I rejected him,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What?" I asked her.

Hindi siya sumagot. Yumuko lang siya. I remained silent, alam ko.. after all almost five years, she's still into him. Tumingin ako kay Elaisa na tahimik at nakatitig lang kay Raelyn while Ella is busy with her phone dahil kailangan namin iupdate ang mga magulang ni Raelyn na nag-aalala.

"I still love him, I really do.. na sa sobrang mahal ko natatakot na ako sa pagmamahal na nararamdaman ko," she said.

I lost my words when I heard her. Wala akong masabi pero ramdam ko yung hirap niya, at nahihirapan din ako dahil kaibigan ko siya.

"He begged, sabi niya aayusin na niya. Natakot ako at naisip na baka tama nga si Elaisa, I rejected him. Sabi ko ayoko nang pulutin uli ang mga gaya niya.." she said while crying, "..but when I look at him pagkatapos kong sabihin iyon, nung tumingin ako sa mga mata niya nadurog ako, mahal na mahal ko.. hindi ko na alam gagawin ko,"

Tumulo ang luha ko. Umiiyak na rin si Elaisa. All I can say is that she's guilty na sinabi niya ang words na iyon nung nakaraan dahil naka apekto sa desisyon ng kaibigan namin na ngayo'y parang nawawalan ng direksyon.

"I'm sorry, follow your heart Raelyn. I'm really really sorry."

Umiyak na rin si Ella. Natawa ako habang umiiyak. Para kaming mga siraulo na umiiyak sa bar samantalang ang ibang tao ay nagkakasiyahan.

"Alam mo, kapag ganitong may heartbroken dapat may alak," Elaisa said while wiping her tears.

Ang malungkot naming table ay napuno ng katuwaan dahil sa sinabi ni Elaisa. They ordered hard drinks while I ordered mango shake. Paniguradong bagsak ang mga ito mamaya. I took a video and posted it on my Instagram. Habang umiinom kami, naging topic namin ang ex ni Raelyn. Ito rin ang unang pagkakataon na ipinakita niya ang picture samin.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon