Holidays are coming that's why we're decorating our house. Super busy ako sa schoolworks in the past few months. Maging sila Mommy at Daddy ay ganon super naging busy. We're supposed to decorate our house last September pero dahil busy nga, fourth week of December na kami nag-ayos at ilang araw na lang pasko na.
"Chanel you're so cute!" She giggled at umikot pa habang suot ang kanyang santa dress.
"What color this time, Mom?" Tanong ni Kuya na siyang nag-aayos ng Christmas Tree.
Ito na rin siguro ang magsisilbing bonding namin magpamilya. Si Daddy ang nagpalit ng kurtina ngayon habang ako naman ang nagdecorate sa hagdan. Si Mommy at Kuya naman ay nag-aayos ng Christmas Tree while Chanel is enjoying her childhood days. Kanina pa siya takbo ng takbo at halatang excited dahil sa ginagawa namin. Pinagpahinga muna namin ang mga katulong para may energy sila dahil bukas sila uuwi sa kani-kanilang pamilya.
Tumingin ako kay Mommy dahil sa tanong ni Kuya. Tradisyon kasi namin na every Christmas at New Year ay pare-pareho kami ng kulay ng damit na susuotin. Kapag Christmas depende sa desisyon ni Mommy ang color pero kapag New Year, ang sinusuot namin ay ang lucky color ng taon na aming sasalubungin.
"Ano bang maganda? Pastel Colors?" My Mom asked Dad.
"Red!" Lumingon kami kay Chanel na sumigaw.
Inisip ko kung kailan ba kami huling nagsuot ng red sa pasko. Last year kasi ay nag stripes kami.
"Red na lang Mom I have one. Ayoko na ring gumastos muna para bumili ng damit," sambit ni Kuya.
Tumango si Mommy. Habang nag-dedecorate iniisip ko kung may damit ba akong pula. Kaya nang matapos akong magdecorate at kumain umakyat ako sa kwarto para tingnan ang closet ko. Ayoko na rin kasi munang gumastos ng pambili ng damit dahil marami na akong damit.
Pumili ako ng isang sleeveless fitted dress na may slit sa thigh part ng damit. Habang namimili ng pangalawang damit ko para sa mass sa pasko, tumunog ang phone ko.
Binuksan ko ang messenger kong may bagong gc kasama ang mga Gutierrez. I was added now by Aubrey. Kumunot ang noo ko sa nabasa kong name ng group chat.
"Christmas Party?" I asked myself.
Maya-maya'y umingay na ang notifications ko dahil sa messages ng mga Gutierrez.
Niel Paolo Gutierrez: Present po.
Lance Toff Gutierrez: @Aubrey sabi ni Zaff kung may ambagan daw na mangyayari dito sa plano mo, salamat na lang daw sa lahat.
Wayne Emman Gutierrez: @Zaff dati ka bang tanga? Malamang may ambagan 'yan lalo sa pagkain. Lakas mo lumamon pero takot sa ambagan.
Nathaniel Paul Gutierrez: Zaff niyo takot sa ambagan.
Franz Riley Gutierrez: I thought this gc is for planning our Christmas Party? Bakit kayo nagbabardagulan?
Zaff Charles Gutierrez: I thought this gc is for planning our Christmas Party? Bakit kayo nagbabardagulan? (2)
Hindi ako nagchat pero nag stay ako sa gc para makita ko ang mga messages nila at hindi ko na kailangan pang mag backread pa mamaya. Humiga ako sa kama. Kita ko na typing ang lahat ng mga Gutierrez hanggang sa messenger maiingay pa rin pala sila.
A minute after I saw that they are typing, Tito Fernan was added. Franz added his Father. Ang kaninang typing na mga Gutierrez ay biglang nawala.
The only person na ngayo'y typing ay si Franz lang.
Franz Riley Gutierrez: Since hindi tayo makakapag bunutan sa exhange gift dahil busy ang lahat, i-message niyo kay Dad ang gusto niyong regaluhan.
BINABASA MO ANG
Unselfish Love (GS #2)
Novela JuvenilGUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only dreamed for one thing, what will happen if he met Naorzhia Frinz Navarro?