Chapter 29

549 17 3
                                        

"You lost again!" I laughed.

Today is sunday and we are currently playing uno. Kanina pa siya natatalo, I don't know if sinasadya niya or talagang hindi siya marunong maglaro. Kinuha ko ang lipstick ko at nag-drawing sa mukha niya ng star. Tumatawa siya habang nilalagay ko dahil nakikiliti daw siya. Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang sa huli, ako ang natalo.

"Sabi na nga ba e, duda ako na palagi kang natatalo e!" I shouted habang tinititigan ang sarili sa banyo. Narinig kong tumawa siya mula sa labas.

"Dapat pala nagpatalo ako nang nagpatalo, nagagalit ka na e," he teased.

Umirap ako at nagsimula nang mahilamos. Habang naglalagay ng facial foam sa mukha narinig kong pumasok siya. Binanlawan ko ang mukha ko at siya naman ang sumunod na naghilamos. While applying my skin care, lumapit siya at niyakap ako mula sa likod.

"Ang bilis ng bawat araw kapag kasama kita," he said.

Inamoy niya ang leeg ko bagay na gustong-gusto niyang ginagawa. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa habang iniisip ang sinabi niya. I agree with him, ilang weeks na lang ay mag a-anniversary na naman kami. Hindi ko napapansin ang bawat araw na lumilipas kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko parang napakabilis lang ng pangyayari.

"Tumatanda ka na," I joked.

Umiling siya. "Even though my age is increasing every year, I'm still your baby."

Tumawa ako. Humarap ako sa kaniya at tinitigan ang mga mata niya. Napatili ako nang hawakan niya ang bewang ko gamit ang kamay niya para mai-upo ako sa malawak na sink.

Pareho naming tinititigan ang isa't-isa as if we're having a bet na kung sino ang unang gagawa ng paraan para maiwasan ang titig namin ang siyang talo. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. He smirked and attacked my lips for his kisses. I kissed him back more passionately while holding his hair.

Para kaming nalulunod nang humiwalay siya sa akin. Malalim ang hininga kong binanggit ang isang bagay na matagal ko na gustong sabihin sa kaniya.

"Magpakasal na tayo, Bub. Handa na ako." I said.

Umigting ang panga niya at mas lalong naging malambing ang mga mata niya. He attacked my lips again and this time, he was aggressive. I felt him bit my lips.

"Handa na rin ako, Jaja. Matagal na." He whispered at muling binalikan ang paghalik sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil sa malalim niyang mga halik. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya mas humigpit ang kapit ko sa buhok niya. I am stopping myself from moaning. Muntik na akong mabigo at mapa-ungol nang humiwalay siya.

"Gusto ko na rin maikasal sayo." He said. Tumayo siya ng maayos. Para akong nahihilo at nalulunod sa intensidad ng halikan namin habang nakatitig sa kaniya.

"But that doesn't mean that I will own you now. Let's reserve that for our first night." He said and kissed my forehead.

Tumango ako at niyakap siya. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating at hindi naman ako nagagalit pero I'm disappointed na walang nangyari ngayong gabi. Hindi ko na lang inisip iyon dahil nakakahiyang isipin na nag-expect akong may mangyayari at kung sino pang lalaki sa amin ang siyang gustong gawin ang bagay na iyon kapag kasal na.

Before sleeping that night, we talked about our relationship. Nakahiga ako sa sofa habang siya'y katabi ko at hinahaplos ang buhok ko.

"Paano natin sasabihin na ikakasal tayo? Baka magulat sila,"

"We will tell them the truth, Jaja. Matagal na tayong engaged at sinarili natin hanggang sa maging handa tayo. Hindi naman siguro sila magrereklamo dahil desisyon nating dalawa na itago iyon." Tumango ako.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon