Chapter 6

706 24 2
                                        

Tumikhim ako at hindi na muli pang ibinalik ang tingin sa kaniya. Uminom ako ng tubig para maging kunyaring rason ng hindi ko pag tingin. Umupo siya katabi ni Lance. Ang kaninang maingay na bubwit na ngayo’y hindi na makangiti ng maayos dahil katabi ang pinsan. Muli akong napatingin sa gawi niya na naging dahilan para magtama ang tingin namin. Ngumiti na lang ako, ngunit siya ay nanatiling kunot ang noo at nakatingin sa akin.

Hindi nagtagal nagsimula na ang event. Inumpisahan ito sa munting panalangin na sinundan na ng mga bibong performances ng mga bata. Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa kanila. May isang nadapa pero mabilis itong bumangon at muling sumayaw na parang walang nangyari. Natawa kaming lahat dahil sa batang iyon.

Pagkatapos ng performance sinerve na ang pagkain na para sa amin.

“Akin na yan, Lance.” Rinig kong bulong ni Wayne.

“Nalunok ko na,” tukoy ni Lance sa leg part ng grilled chicken.

“Putangina m—” Mabilis siyang tumigil nang makita niya ang masamang tingin ni Franz sa kaniya.

Kinuha ko ang leg part ng akin at nilagay sa plato ni Wayne. Nangingiti siyang kumain at hindi na nagpasalamat pa. Patapos na rin naman akong kumain. Sayang lang kung iiwan ko sa plato ko, mukhang paborito nilang magpipinsan ang leg part dahil iyon ang unang nawala sa plato nila.

“Wayne, your table manners.” Malalim na boses ni Franz.

Hindi siya tinapunan ng tingin ni Wayne na busy sa pagkain. Lumipat ang iritado niyang tingin sa akin bago bumuntong hininga. Bakit pakiramdam ko’y isa ako sa mga pasaway dito sa mesang ito?

Kasabay ng pag serve ng dessert an boses ng emcee na todo ganado lalo na’t oras na para sa mga paintings. The biddings will start sa five thousand pesos. I’m willing to spend my money para sa paintings. I love to collect paintings simula bata ako, nahiligan ko rin ang pagdedesenyo ng interior ng bahay. Kaya kahit mahirap ang course ko para sa akin, nag-eenjoy pa rin ako.

The first painting was sold for twenty thousand pesos. A simple rose painting pero I know it has a deep meaning based on how the anonymous artist named it. The second one is about our country.

I raised my number. “Twenty-five thousand,”

Nilingon ako ng mga Gutierrez. Ang mga binatilyo hindi makapaniwalang gumastos ako sa painting na iyon. I love being a Filipino. Ang mga bagay na gaya nito ang sumisimbolo sa pagiging Pilipino ko at ireregalo ko ito kay Kuya Miko. I know he love our country and countrymen. To give him more inspiration to become a successful leader na deserve ng mga Pilipino.

The painting was sold for me. May lumapit sa akin para sa pagbabayad ko. I gave my card. Nang ilabas na ang pinakahuli at pinakamahal na painting napako doon ang atensyon ko. Nagsimula sa ten thousand ang bidding. Umingay ang mga tao sa pagpapataasan ng bidding.

Eiffel Tower. Pero iba ang pagkaka-drawing noon, may isang lalaking pilit na inaabot ang Eiffel Tower. Ang liwanag ng papalubog na araw ay nagbigay ng anino sa lalaki at nagmukhang naabot niya ang tower kahit hindi naman. The artist named it ‘Dream’.

“Thirty-Five thousand,” I raised my number again.

Palihim akong nagdasal na sana’y wala nang humigit pa roon. Hindi ko na pwedeng taasan pa. Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Nagtanong ang emcee kung wala na bang hahabol but someone on our table raised his number.

Unselfish Love (GS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon