CHAPTER 4

15 2 0
                                    


CHLOE

Paggising ko sa umaga pumasok agad ako sa cr para maligo. Pagbaba ko pumunta agad ako sa kusina dahil baka nasa kusina si manang.

Pagpasok ko palang nakita ko si manang na nagluluto. Lumingon naman sya sakin at ngumiti.

"Mabuti naman at gising na ang maganda kung alaga, gigisingin na sana kita. O sya inumin mo yang gatas na nasa lamesa at tataposin ko lang itong piniprito ko." nakangiting sabi ni manang. Kaya umupo naman ako sa upuan at ininum ang gatas na hinanda ni manang para sakin.

Ilang sandali pa natapos na si manang sa piniprito nya at tapos ko na rin inumin ang gatas. Lumapit na si manang sakin at inilapag ang plato na may laman na nuggets, hotdog, egg at tucino.

"Oh mauna kumain ka na dyan at may ihahanda lang muna ako." nakangiting sabi ni manang. Nakangiting tumango lang ako kay manang at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kung kumain ay sya namang pagkatapos ni manang sa ginagawa nya. Lumapit sya sakin na may dalang lalagyanan ng baon.

"Ito pinaghanda kita ng baon mo" nakangiting sabi ni manang. Ngumiti lang ako at tiningnan ang laman ng lalagyan. Namilog ang mata ko ng makita na adobo ang ulam ko.

"Ipinagluto kita ng adobo para ganahan kang kumain at dinamihan ko na rin yan dahil alam kong paborito mo yan." nakangiting sabi ni manang. Lumapit naman ako sakanya at yumakap.

"The best ka talaga manang" nakangiting sabi ko sakanya.

"O sya bilisan mo na dyan at baka ma late ka pa" nakangiting sabi ni manang. Lumiwalay naman ako kay manang at natitira kung tubig sa baso. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko sa katabi kung upoan.

"Ihatid na kita hanggang sa gate" sabi ni manang. Nakangiting tumango lang ako kay manang.

Paglabas namin nagulat ako ng makita kung nasa labas na ang kotse ko. Nasira kasi ang gulong ng kotse ko noong nakaraan kaya nagtaxi lang ako kahapon dahil akala ko matagal pa bago to matapos.

"Ipinadala yan dito kanina kaya natuwa ako dahil alam ko na hindi ka sanay sumakay ng taxi" nakangiting sabi ni manang. Ngumiti lang ako kay manang at ibinalik ang tingin ko sa kotse ko. Namiss ko din tong baby ko, ilang araw ko kaya syang hindi na gamit.

"O sya bilisan mo dyan at baka malate ka na talaga at papasok na rin ako sa loob" nakangiting sabi ni manang. Nakangiting nagpa-alam na ako kay manang at pumasok sa kotse ko. Pagpasok ko napangiti naman ako dahil makaka-drive na naman ako.

Mabilis na pina-andar ko ang kotse ko habang hindi pa rin ma wala ang ngiti ko.

Pagdating ko sa paaralan ipinarada ko ang baby ko sa bakating parking lot. Tiningnan ko muna ang mukha ko sa salamin at saka ngumiti. Ang ganda ko talaga.

Bumaba na ako at inayos ang uniform na suot ko at taas noong naglakad papunta sa klassroom ko.

Habang naglalakad naglalakad ako nakasalubong yong gwapong lalaki na nakausap ko sa rooftop at dalawang cute lalaki na pamilyar sakin.

"Marc, di ba yan yong bagong kaklase natin na babae?" rinig kong sabi nung isang lalaking cute na may headphone sa leeg.

"Oo nga no, tara sumabay na tayo sakanya mukhang papunta narin naman sya sa klassroom" rinig ko naman sabi nung lalaking mukha palang mukhang makulit na.

Malapit lang kami kaya naririnig ko sila. Nakita ko naman na papalapit sila sakin kaya napahinto ako.

"Hi! Di ba ikaw yung bagong kaklase namin na nakipagsagotan kay jazrael? Ako nga pala si marco ang pinaka-cute sa section natin" makulit na sabi nung lalaking marco daw ang pangalan. Naiilang na tumango naman ang magandang ako sakanila.

"Tara sabay na tayo tutal doon din naman ang punta namin. By the way i'm joseph lou and i'm cutier than marco" nakangitin sabi naman nung lalaking may headphone na joseph lou daw ang pangalan. Umangal naman si marco sa sinabi ni joseph lou. Tinatanong ko ba sila?

Napatingin naman ako doon sa lalaking kasama nila. Yung lalaking naka-usap ko sa rooftop. Nakatingin lang naman siya sakin kaya naiilang na nag-iwas ako ng tingin. Sabi na nga ba at gandang ganda to sakin eh?

Mukhang napansin naman nung dalawa na napatingin ako sa kasama nila. Kaya inakbayan naman ni marco yung lalaki.

"At ito naman si clark our class precident" nakangiting pagpapakilala naman ni marco doon sa clark daw kono. Tss, pake ko ba sa mga pangalan nila? pero dahil good mood ako ngayon ay papasinin ko sila.

Ngumiti naman ako sakanila. Hay, pasalamat talaga sila at good mood ako.

"I'm Chloe it's nice meet the three of you" nakangiting sabi ko sakanila.

"Ano ka ba naman chloe kilala ka kaya namin. Paano naman namin makakalimutan ang pangalan mo e ikaw lang naman ang kauna-unahang babaeng nasa section namin" nakangiting sabi ni marco sakin. Aba, feeling close tong mga to ah?

"Kung hindi mo kasi natatanong chloe wala pang babaeng napupunta sa section namin. Kami kasi ang tinaguri-ang worst section nitong campus kaya nasa section W kami. Section W for Worst Section" nakangiting sabat naman ni joseph lou na akala mo sobrang proud nya na nasa worst section sya. Baliw

"Nagtataka nga ako kung bakit ka nasa section namin kahit naman kasi siguro sobrang pasaway mo sa dati mong paaralan ay hindi ka parin nababagay sa section namin. Don't get me wrong chloe, kadalasan kasi sa mga pasaway na babae ay napupunta pa rin sa Section B, kaya sobra akong nagtataka kung bakit ka nasa section w" mahabang paliwanag sakin ni marco.

Napa-isip naman ako sa sinabi ni marco. Pero bakit naman ako nasa section W kung saan ako lang ang babae kung pwede naman pala ako sa section W? Ano to trip-trip lang?

"Hayaan mo na, marco away mo bang meron na tayong babae sa section natin at pwede pa nating maging kaibigan si chloe kapag pumayag syang maging kaibigan natin. So, chloe friends na tayo ha?" makapal na mukhang sabi sakin ni joseph lou. Aba, saan kaya to nakahanap ng kapal ng mukha para maging feeling close sa magandang babaeng tulad ko? Pero dahil nga maganda na at mabait pa ako kaya sige makikipagkaibigan na ako sa kanila.

"sure, we can be friends" nakangiting sabi ko sakanila.

Napangiti naman sila at biglang yumakap sakin kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. May balak ba silang patayin ako sa gulat?

Kumalas naman sila ni yakap at biglang napatingin sa isa pa nilang kasama. Tangina, nakalimutan kung mayroon pa pala silang kasama.

Niyaya naman sya ni marco at joseph lou na lumapit samin pero umiling lang sya. Pero wa na syang nagawa nong hinila sya ni joseph lou at marco papalapit sakin.

Yumakap naman yung dalawa samin kaya para narin kaming magkayap. Noong napatingin ako sakanya ay nakita kong nakatingin rin pala sya sakin. Ngumiti naman sya sakin kaya napangiti na rin ako sakanya.

                    | IRISH AYESH |

💋

For More Important Updates, Please Visit My Social Media Accounts:

FACEBOOK: IRISH AYESH
INSTAGRAM: @irish.ayesh
EMAIL: irishayeshdelara@gmail.com

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon