CHLOE
Pagdating naman sakanila hindi pa nila kami napansin dahil busy pa din sila sa paglalaro. Biglang napatingin sa gawi namin si joseph lou at nalalaki ang matang nagpalipat-lipat ang tingin samin. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya.
"Hoy! Saan kayo galing dalawa?! At anong ginawa niyo?! Mga taksil kayo" malakas na sigaw niya dahilan kaya napatingin samin ang iba. At kagaya ng reaksyon ni joseph lou nanlalaki rin ang mga mata nilang nagpalipat-lipat ng tingin samin ni clark. Adik yata talaga ng kaklase ko.
"Hoy! Saan kayo galing?!"
"Gumawa na ba kayo ng bata?!"
"Bata pa kayo! Paano niyo nagawa saamin to?!"
"Mga taksil kayo!" rining ko naman sabi ng iba pang tanga. At mukha talaga silang tanga sa mga ginagawa nila.
"Nandoon lang kami sa dulo ng rooftop" mahinang sabi ni clark pero alam kung narinig parin yun ng iba.
"Sa dulo kayo ng rooftop gumawa ng bata?!"
"Di da wala namang kama doon?!"
"At bakit parang hindi ka makatayo ng maayos, clark?! Na sobrahan ka ba?!"
"At magka-akbay pa talaga kayo?!" rinig ko namang sagot ng mga tanong ng mga tanga. Hay, bakit ba ang tatanga nila?
"Nag-uusap lang kami" naiinis na sabi ko sakanila. Bwesit! pagbintangan ba naman kami na gumawa kami ni bata.
"Wow! So, pagkatapos nyong mag-usap hindi ka na maka-paglakad ng maayos, clark. Anong usap ba yang ginawa niyo?" sarkastikong tanong ni jeagal samin.
"Nasapak ko kasi siya" mahinang sabi sakanila pero alam kung narinig parin nila yon. Para namang may dumaan ng anghel dahil nagsi-tahimikan sila. Maya-maya pa bigla nalang silang nagtawanan ng malakas may iba pang napa-upo na sa kakatawa. Ay, mga baliw.
Ilang minuto pa bago nakamove on ang mga baliw. Ng makita kung medyo humina na ang tawanan nila nagsalita na ako.
"Nawalan na ba kayo ng hangin? Gusto niyo bilhan ko kayo ng oxygen para naman naman hindi kayo ma-ubosan ng hangin kakatawa niyo." sarkastikong sabi ko sakanila. Tumingil naman sila sa kakatawa pero nakangiti parin sila kaya alam kung pinipigilan lang nila tumawa. Mamatay sana sila sa pagpipigil tumawa.
"Bakit mo naman sinapak si clark, chloe? Pinag-samantalahan kaba niya?" seryoso sabi ni randy. Pero alam kung nagkukunware lang syang seryoso dahil gumagalaw pa yung balikat niya, tanda na nagpipigil lang ng tawa ang loko. Bakit ko ba sila naging kaibigan?
"Inasar niya ako kaya nasapak ko sya. At kapag hindi kayo tumigil kakatawa kayo naman ang sasapakin ko" naiinis na sabi ko sakanila. Nanlaki naman ang mga mata nila at saka muling tumawa. Ang sarap talaga nila sapakin isa-isa! Bwesit!
"Titigil ba kayo o hindi" nanlaming naman sila ng biglang magsalita si clark at yung boses niya parang yelo kaya pati ako naglamig din. Nakalunok ba bigla ng isang drum ng yelo si clark?
Ng mapatingin ako sa mga walanghiya nagsi-tahimikan na sila na sila at yung mga mukha nila naging seryoso na. Wow! Para silang robot na pinagalitan ng master nila! Gayahin ko kaya yung ginawa ni clark? Lulunok din ako ng isang drum ng yelo at pagbabantaan sila? Mukhang effective naman.
"Magligpit na tayo para makabalik na tayo sa room" sabi ni clark. Nagsunuran naman sila pero hindi na kami tumulong ni clark dahil sobrang bigat ng braso niya. Kinuha nalang namin yung bag naman.
BINABASA MO ANG
The Worst Section Princess
RandomIsang babaeng mahangin pa sa bagyo ang ang magtra-transfer sa isang eskwelahan pero dahil sa kanyang kahanginan-este kakulitan ay doon siya napunta sa section kung saan lahat ng kaklase niya puro lalaki. Paano kung unang araw pa lang ng klase ay nak...