CHAPTER 7

16 2 0
                                    

CHLOE

Nandito kami ngayon sa rooftop sinabi ko kasi sakanila na dito nalang kami, kaya inayos namin ang pwesto. Sila jaspher, roi rolly, clark, herbert at erwin naman ay nanghihiram ni mga upoan namin. Wala naman kasing upoan dito sa rooftop kaya nagpresinta si clark kanina na kukuha daw sila ng upoan. Mabuti nga at sumama saamin ang gwapo naming pricedente at ang tahimik naming kaklase akala ko kasi wala silang balak sumama saamin dahil tahimik lang sila kanina.

Si Kenneth, amiel at randy naman ay bumili ng iinumin namin at iba pang pagkain. Habang sila naman ni marco, ram, joseph lou at jeagal naman ay inutosan kung idugtong ang dalawang lamesa na gagamitin namin at pinapulot ko rin sakanila ang ibang kalat dito. At syempre pero reklamo naman ang apat dahit wala daw naman akong ginagawa. Duh, akin kaya ang pagkain.

Ilang sandali pa dumating na sila clark kaya inayos na namin ang mga upoan na dala nila. Halos kasabay lang din nila dumating sila randy dala ang mga inumin at makakain namin.

Mabilis naman nagsi-upoan ang mga walanghiya ng hindi man lang ako niyaya ng umupo. Hello, may-ari ng pagkain here.

"Dito ka na maupo" nakingiting pang-aaya sakin ni clark. Awh, mabuti pa tong gwapong to.

Napatingin naman ako sa katabi niyang upoan. Bakante yon kaya mabilis akong umupo doon. Gutom na rin ako kaya sa susunod nalang ako lalandi.

Naglagay na ako sa plato ko ng kanin. Hindi na lang ako magtatanong kung saan sila galing ng plato.

Maglalagay sana ako ng ulam ng pagtingin ko sa lalagyan na ay ubos na. Nang mapatingin ako sa iba, hiyang hiya ako sakanila dahil lahat sila may ulam na. Hiyang hiya talaga ako sakanila, baon ko pero inubos nila. Naiiyak na talaga ako dahil sa kawalanghiyaan nila, grabe.

Nagulat akong may biglang ng ulam sa plato ko. Napatingin bigla ako kay clark, nginitian nya lang ako at ibinalik ang atensyon sa pagkain niya. Binalik ko nalang din ang atensyon ko sa pagkain ko pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang kumakain, gwapo na nga genteman pa.

Habang kumain kami sari-saring usapan naman ang pinagkaka-abalahan nila. Nakangiting nakikinig lang ako sa mga usapan, kahit itong gwapong katabi ko ay tahimik lang ding kumain pero alam kung nakikinig lang din siya sa iba. Sige kakalimutan ko nalang ang pag-ubos nila sa ulam tutal binigyan naman ako nitong gwapong katabi ko.

"Bakit kaya absent sila jazrael at rodrigo ngayon. Baka naghahanap na naman sila ng gulo ng hindi man lang tayo sinasama" seryosong sabi ni randy na nagpabuhay sa interes ko. Bakit nga ba wala yung walanghiyang yun? At maghanap ng away aba, siraulo yata talaga yung lalaking yun. At saka sino naman itong rodrigo na sinasabi nila.

"Jazrael and Rodrigo are childhood bestfriends" biglang sabi ng gwapong katabi ko na parang nababasa niya yung nasa isip ko. May power ba sya na kayang bumasa ng isip?

"Paano mo nalaman ang iniisip ko?" sabi ko sakanya. Baka may powers talaga siya.

"Your reactions are obvious and i'm not mind reader" natatawa niyang sabi sakin kaya napairap ako sakanya na mas lalo niyan kinatawa. Tawa-tawa mabulonan ka sana.

"You are really a funny woman, you can always make me laugh when we are talking" natatawa niyang sabi sakin. Mamatay ka sana kakatawa. Pero syempre joke lang yon baka magkakatotoo. Sayang namang ang kagwapohan niya kung hindi sya magkaka-girlfriend ng magandang kagaya ko.

Pagkatapos naming kumain napag-kasunduan nila marco na maglalaro daw sila ng truth or dare pero sinabi kung mamaya na ako sasali sakanila. Kumuha muna ako ng pepsi in can at pumunta sa dulo ng rooftop.

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon