CHAPTER 2

30 4 0
                                    

JAZRAEL

Pagpasok palang namin sa canteen ay parang may dumaan na anghel sa subrang tahimik. Tss, ganyan naman talaga sila pagnanjan kami kasi takot sila samin.

Pumila na kami kaya nagsi-alisan ang mga nakapila kanina.Kaya madali lang para samin makabili ng snacks namin.

Pumunta na kami sa lamesa na nakalaan para samin. Wala kasing umu-upo dito kahit pa puno na lahat ng tables .Ganyan sila katakot samin, lalo na sakin.Tss

Nagsimula na kaming kumain, nag-uusap sila pero hindi ko maitindihan ang pinag-uusapan nila. Naisipan ko na tumambay sa garden mag-isa kaya pagkatapos kung kumain nagpaalam ako sakanila na may pupuntahan muna ako.

Nagmakarating ako sa garden inakyat ko ang paborito kung puno na palagi kung tina-tambayan pagpumu-punta ako dito.

Napatingin ako sa baba at nakita ko na may tao sa bench malapit dito sa puno.
Hindi ko lang makita ng maayos ang mukha niya dahil nahaharangan ito ng buhok niya pero alam ko na babae siya.

Gumalaw siya kunti at dahil don maayos ko na natingnan ang mukha niya. At doon ko nakita na si amazonang tranferre girl ang natutulog sa bench.Tss, maygana pa talaga siyang matulog ah.

Tiningnan ko lang siya habang natutulog sya. Mula sa perpektong hugis ng kanyang mukha hanggang sa matangos niyang ilong hanggang sa  mamula-mula niyang pisngi ang maputi niyang mukha  pababa sa  mapula niyang labi na masarap halikan. Tss, ano ba tong iniisip ko?

Inis na napasabunot ako sa buhok ko iiiwas ko sana ang paningin ko sakanya ng bigla akong napatingin sa hita niya.Nakita ko na umangat kaunti ang palda niya kaya isang galaw niya nalang ay makikita ko na ang hindi dapat makita.Tss, gusto mo naman.

Bumaba ako sa puno at naglakad papalapit sa kanya. Hinubad ko ang jacket ko at akmang ilalagay ko sa hita niya upang hindi umangat ng bigla siyang dumilat.Kumurap pa siya ng ilang bises bago biglang sumigaw. Shit!

"MANYAK!!" malakas na sigaw niya. FUCKING SHIT!

"Hey! Calm Down, I was just covering your le-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang sumuntok sa mukha ko. Shit! Ang lakas non ha!

Inis na binalingan ko ng tingin ang walang hiyang babaeng may lakas ng loob na suntokin ako. Bwesit na babaeng to siya ang may gana magalit e ako na nga ang nagmamagandang loob.

"Hoy babae! Anong karapatan mong suntokin ang mukha ko. Hindi mo ba alam na wala pangsumuntok sa mukha ko! At subrang lakas pa! Babae ka ba talaga!" inis na sigaw ko sakanya.

"Hoy din lalaki! Wala kang pakialam kong suntukin ko yang gwa- este panget mong mukha! At saka anong ginagawa mo dito?! Bakit mo hinuhubad ang jacket mo?! At sinisilipan mo pa talaga ako!" malakas na sigaw nitong walang hiyang babaeng to. Tss, baka naman tomboy to ang lakas manapak eh.

"Hoy babae! Hindi kita sinisilipan! Anong tingin mo sa sarili maganda para silipan ko! At hindi ako panget dahil maraming babaeng nangangarap na makita ang mukha to araw-araw!" malakas din na sigaw ko sakanya. Tss, hindi ako magpapatalo sa babaeng to kahit pa magand- no panget na babaeng to. Panget na nga amazona pa.

"Hoy ka rin lalaki! Maganda ako ay hindi lang ako maganda sobrangg ganda ko ! At anong hindi mo ko sinisilipan e kitang-kita ko kaya na sinisilipan mo ako , sungaling kang lalaki ka!!" malakas na sigaw niya

Gusto ko sanang sabihin na lalagyan ko ng jacket yung hita niya kasi malapit ng siyang masilipan pero syempre hindi ko yun sasabihin. Asa siya

"Sinabi nang hindi kita sinilipan, miss. Bakit ba hindi naniniwala e hindi naman talaga kita sinisilipan" sagot ko sakanya.

"Kasi hindi ka naman kapani-paniwala! Tss, jan kana nga!" malakas na sigaw niya at nagmamadaling umalis.Tss ,baliw yata yung babaeng yun. Makaalis na nga at baka mahawa pa ako ng kabaliwan ng babaeng yun.

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon