CHAPTER 6

17 3 0
                                    

MARCO

Ilang sandali pa at natapos na ang klase kay Mr.Martinez kaya lumabas na sya. Nakangiti naman akong tumingin sa katabi ko at akmang magsasalita ako ng pumasok si Ginang Conocido na nakataas ang kilay na nakatingin sa direksyon ko ng makita nakatingin ako sakanya ay napairap sya.

Nawala naman ang ngiti ko at umayos ng upo. Mahirap na at mainit pa naman dugo niya sa section namin baka ako pa ang pagbuntongan ng inis nya. Matandang dalaga kasi kay ganyan.

Nagkunware nalang akong seryosong nakikinig sa kanya kahit wala naman akong talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nya. Magseryoso ka muna, marco. Iba pa naman magalit ang mga matandang dalaga.

Napatawa naman ako sa isip ko. Pero yung mukha ko seryoso pa rin. Ilang sandali pa natapos na sya kaya nililipit na niya ang mga gamit niya. Akmang lalabang na siya ng mapatingin sya sa gawi ni chloe.

"Nandito ka pa pala Ms.Villanueva, kung ako sayo maghahanap na lang ako ng bagong paaralan na mapapasukan or better yet bumalik ka nalang sa dati mong paaralan. Hindi ka naman kasi basta-basta malilipat ng section kasi disesyon ng dean na dito ka sa section nato. Pero wala ka naman matutunan sa section nato kung hindi mga kabalustugan ng mga lalaki mong kaklase. Babae ka pa naman" nakataas kilay na sabi ni Ginang Conocido. Umirap muna sya saamin bago tuloyang lumabas. Ahitin ko kaya ang kilay niya kapag tulog sya.

Napatango-tango naman ako dahil sa naisip ko. Sasabihin ko sa iba ang plano ko para naman matulongan nila ako. OPERATION:AHITAN ANG KILAY NI MA'AM.

Akmang sasabihin ko kay chloe ang nasa isip ko ng mapansin ko ang mukha nya. Biglang nanumbalik sakin ang mga sinabi ni ma'am kanina.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot kapag iniisip ko na aalis si chloe. Kahit kasi bago lang kami nagkakilala naging kaibigan narin namin sya kaya malulungkot talaga ako kapag lumipat sya.

"Hindi ka naman siguro aalis dahil lang sa mga sinabi ni ma'am. Kahit pa bago lang tayo naging magkaibigan ay kaibigan pa rin kita kaya malulungkot talaga ako kapag lumapat ka, chloe" malungkot na sabi ko kay chloe. Napatingin naman siya sakin at nakangiting umiling.

"Bakit naman ako aalis dahil lang sa sinabi ni ma'am. Syempre hindi ako magpapaapekto sa mga sinasabi niya. Nandit kaya ang mga bago kung kaibigan kaya bakit naman ako aalis" nakangiting sabi niya. Kaya napangiti naman ako at naglalambing na kumapit sa braso niya.

"Promise, hindi ka talaga aalis. Mamatay ka man" pabirong sabi ko sakanya. Pabiro niya namang hinampas ang braso ko.

"Promise, mamatay ka man" pabirong sagot naman niya. Natawa naman kami ng malakas dahil sa biro namin.

Bigla nalang nalang akong napayakap sa kanya. Nong una ay hindi sya gumanti pero ilang sandali lang ay naramdaman kong gumanti sya ng yakap sakin.

"Thank you, marco for being nice to me" mahinang sabi niya pero rinig ko parin kaya napangiti ako.

"Because you are also nice, chloe" nakangiting sagot ko sakanya.

"Hoy! Ano yan akala ko ba magkakaibigan tayong lahat. Bakit mo naman sinosolo si chloe, marco. Madaya ka, ah akala ko ba magbestfriends tayo" napakalas kami ng yakap ni chloe ng marinig ko ang madramang komento ni joseph lou. Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Syempre magkakaibigan tayong lahat nagdradrama lang din talaga din tong si marco kaya kami nagyakapan pero para hindi ka narin magtampo halika yayakapin ko kayong dalawa" natatawang sabi naman ni chloe. Madrama daw ako? hindi kaya.

The Worst Section Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon