CHLOE
Nagpatuloy na kami ng paglalakad papunta sa classroom. Ito naman dalawa kung kasama ay kanina pa salita-salita tungkol sa mga buhay nila. Pero wala naman pumapasok sa utak ko tungkol sa pinagsasbi nila.
Yung isa naman nilang kasama ay nakasunod lang sa likod namin. Habang ito namang dalawang to ay nasa magkabilang gilid ko.
Pagdating namin sa classroom apat palang ang nandon. Napatingin naman sa amin yung apat pagpasok namin. Nagtataka yata sila kung bakit sila may kasama na maganda.
Pumunta nalang ako sa upoan ko at umupo. Nakita ko naman ipinagmayabang nong dalawa na magkaibigan na kami. Kung hindi lang ako mabait.
Nakita ko namang nagulat yung apat sa sinabi nong dalawa. Gulat na gulat, hindi na ba pwedeng makipagkaibigan ang mga magaganda?
Lumapit naman sakin yung dalawang makulit kasama yung apat na kaklase namin.
"Chloe, magkaibigan na tayo di ba ? Ayaw kasing maniwala nitong apat na panget na to." mayabang na sabi ni marco. Nakita ko naman kung paano siya batukan nong apat kaya napasimangot nalang sya at saka lumapit sa akin na akala mo nagpapa-awa. Cute
"Tingnan mo chloe inaaway nila e nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kaya wag kang makipagkaibigan sa kanila ha kasi panget na nga sila, panget ugali nila." nagpapa-awang sabi sakin ni marco. Natawa naman ako sa mukha niya. Mukha tuloy syang bata na nagpapa-awa sa nanay nya na paniwalaan sya.
Ginulo ko naman ang buhok nya habang nakangiting nakatingin sa mukha. Cute!
Hindi ko naman napigilan at bigla ko nalang syang kinurot sa pisngi dahil sa kacute-tan nya. Napa-aray naman sya at maluha-luhang lumayo sakin at nagtago sa likod ni joseph lou.
"Pati ba naman ikaw chloe, wala naman ginagawa sa inyo ah. Bakit nyo ba ako sinasaktan ng ganito?" madramang sabi ni marco habang nakahawak pa sa puso nya. Ka lalaking tao sobrang drama?
"sorry na, ikaw din naman ang may kasalanan sobrang cute mo kasi. Hali ka nga dito" sabi ko sakanya. Alanganin pa sya kung lalapit pa sya o hindi pero kalaunan ay lumapit pa sakin at umupo sa katabi kung upoan.
Inakbayan ko naman sya at hinalikan yung pisngi niya na kinurot ko. Namula naman sya at tumalikod sakin. Inasar naman sya ng mga kasama namin kaya mas lalo syang namula.
"By the way chloe i'm jeagal at your service" nakangiting sabi sakin nong lalaking moreno. Ngumiti lang naman ako sakanila.
"Ako naman si erwin at gwapo ako" mayabang na sabi naman nong lalaking matangkad at katamtaman lang yung kulay.
"Ako naman si randy at mas gwapo ako" mayabang na sabi din nong lalaking moreno rin parang hindi mo mapagkakatiwaan ang mukha.
"I'm raven" nakangiting sabi naman nong lalaking chinito.
"I'm chloe" nakangiting sabi ko sakanila.
"Ano ka ba naman kilala ka kaya namin. Shaka totoo bang kaibigan mo na raw tong dalawang to. Para kasing hindi kapanipaniwala." nakangising sabi ni randy. Mas mukha pa kaya syang hindi katiwa-tiwala
"Mukha naman silang mabait kaya pwede naman siguro silang maging kaibigan" nakangiting sagot ko sakanya. Nakita ko naman tumango-tango yong dalawa sa sinabi ko.
"Totoo naman talaga na mabait kami" nakangiting sabat naman ni joseph lou.
"Yeah, whatever. I hope we can be friends too, chloe" nakangiting sabi naman ni jeagal. Sana all, english
"Sure" nakangiting sagot ko naman. Nagyaya na naman ng yakap ang dalawang makulit kaya wala na akong nagawa kung hindi makisali sa payakap-yakap effect nila. So, ganito na pala ngayon kapag nakikipagkaibigan may payakap-yakap effect pa. I will note that to my self.
Napatingil lang ang payakap-yakap effect namin ng nakarinig kami ng tikhim. At pag lingon namin nagsidatingan na pala ang iba pa naming kaklase. Buti naman at wala pa yung siraulong baliw na lalaking yun. Kung hindi sira na naman siguro ang araw ko. Tss
Nagsi-upoan na ang mga bagong dating naming kaklase kaya nagsi-upoan narin kami.
"So, magkakaibigan na kayo nitong tranferre girl na to marco, joseph?" biglang sabi nong isang lalaki moreno rin.
"Oo nga pagdating namin kanina nakita namin kayong nag-uusap. So, friends na kayo?" taas kilay naman na sabat ng isa pang lalaki. Aba, may pataas-taas kilay pa syang nalalaman?
"Ah, Oo nakasalubong namin sya kanina tapos nag-usap kami kaya friends na kami. Diba, chloe?" mayabang na sagot naman sagot ni joseph lou.
"Mabait naman si chloe kaya friends na kami. Tsaka friends narin sila ni jeagal, erwin, randy, raven at pricedent" nakangiting sabi naman ni marco. Well, mabait naman talaga ako.
Nagulat naman ako nang may nagsilapitan na naman sa harap kaya napahawak naman ako sa puso ko sa sobrang gulat. Mamamatay na talaga yata ako ng maaga. CAUSE OF DEATH: HEARTH ATTACK
"Hehe sorry chloe nagulat ba kita? Tutal friends na naman kayo nila marco, pwede naman din naman siguro tayong maging friends. I'm Ron Yram pero ram ang nakasanayan nilang tawag sakin" nakangiting sabi naman sakin nong lalaking medyo moreno.
"Ah, hindi naman ako mashadong nagulat" ngiwing sabi ko. Dahil sa totoo lang gulat na gulat lang ako, e dagdag mo mukha syang tanga.
"I'm jasper and i hope we can be friends, too" nakangiting sabi naman ng isang lalaking medyo chubby pero cute parin naman. Tinangoan ko lang naman sya
"I'm kenneth and i want to be your friend, too" nakangiting sabi naman nong lalaki may kapayatan. Kaya tumango lang ako. Mamaya na ako magsasalita at baka masira ko pa ang introduction nila.
"Ako naman si amiel at sana maging magkaibigan din tayo" sabi naman ng isang lalaking moreno rin. Bakit ba ang daming moreno sa classroom na to?
"At yon naman si roi rolly, hayaan mo na siya mukha lang talaga siyang walang pakialam sa mundo pero mabait naman yan" turo naman ni marco sa isang lalaking naka-tingin lang sa bintana at mukhang walang pakialam sa paligid niya.
"Umaasa rin akong magiging kaibigan ko kayong lahat" nakangiting sabi ko sakanila. Ang damin ko ng bagong kaibigan, ah. At mga lalaki pa pero keri pa naman ng ganda ko.
Nagsimula namang magtanong ang iba kung asan ako nakatira?, bakit ako nagtransfer at etc. Sinasagot ko naman sila pero hindi yung mga personal na tanong.
Ilang sandali pa dumating na ang guro namin kaya nagsibalikan na sila sa mga upoan nila. Habang si marco at joseph lou naman ay lumipat sa magkabila kung upoan. Hindi ko nalang sila pinansin at nakinig nalang sa harap. Hay, salamat naman at mukhang walang balak pumasok yung siraulong baliw na yon. Baka ma stress na naman ang beauty ko sakanya.
| IRISH AYESH |
🌹
For More Important Updates, Please Visit My Social Media Accounts:
FACEBOOK: IRISH AYESH
INSTAGRAM: @irish.ayesh
EMAIL: irishayeshdelara@gmail.com
BINABASA MO ANG
The Worst Section Princess
RandomIsang babaeng mahangin pa sa bagyo ang ang magtra-transfer sa isang eskwelahan pero dahil sa kanyang kahanginan-este kakulitan ay doon siya napunta sa section kung saan lahat ng kaklase niya puro lalaki. Paano kung unang araw pa lang ng klase ay nak...